Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Update!

Posted: December 27, 2010 in Uncategorized
Tags: ,

Napakaraming beses ko ng tinangkang mag-update, pero sa tuwing sinusubukan kong magsulat eh bigla na lang akong nababablanko at nawawalan ng maisusulat…gustohin ko mang magkwento eh mas pipiliin ko na lang ang hindi…dahil ayoko namang mapuno na lang itong blog na ito ng sadness and pain…but I’m grateful that despite of those, I’m still here getting stronger.
kaya dun sa mga naliligaw at sumisilip pa rin dito na nais makibalita kung ano na ang nangyayari sa akin eh eto pa rin nman ako’t buhay pa ^__^ at nakiki-update pa rin naman sa mga blog nyo, ako nga lang itong hindi nag-a update ng sariling blog…hehehe!
hope makapag-update na din ako ng madalas…Happy New Year!

Ooops teka lang!

Posted: August 10, 2010 in mga ka ikayan, Uncategorized

Matapos ang matagal-tagal at malimit na pagadalaw ko dito sa aking blog… eh heto ako ngayon muling nagpaparamdam.

Pasensya na tinamad lang po.

There are times that we never want to let go of the  person we never want to leave us behind.. But letting  go,  doesn’t mean that we giving up the person. But rather it is a way of accepting that sometimes there are things that we cannot control most specially  if GOD want us to let it go.

“Manang we all know that you truly love Kuya, But maybe GOD want him now to be His side. Let Kuya be with Father GOD, I know it’s definitely hard for you to accept that Kuya is already left  us, But we have to accept that only GOD knows why this painful things happen to us. 

And to Kuya,  Be our angel  most specially to Manang take care of her even though you are now in the kingdom of GOD, Be her guide always. Cause I know deep inside of her heart you are always remain, as well as ours…We will going to miss you Kuya very much.” 😦  and may you find your peace with God that now you are with him.  R.I.P

Nandito pa AKO!

Posted: March 29, 2010 in emo mode, Uncategorized

Paano nga ba ang maging isang mabuting anak???

Sa isang magulang  maituturing mo itong isang mabuting magulang kung naibibigay nya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak, napalaki nya ito ng may respeto sa kapwa, may takot sa DIYOS at napabuti ang buhay nito dahil naipagpatapos nya ito ng pag-aaral.

Ngunit sa isang anak? Papano nga ba maituturing na ikaw ay isang mabuting anak sa iyong magulang…sa iyong pamilya?

Tama lang ba yung maging masunurin ka sa bawat pangaral sayo ng magulang mo na sa tuwing may pagkakamali ka at napapagalitan ka ay hindi ka sumasagot nang pabalang at nang pasigaw, ay maari ka na bang ituring na isang mabuting anak? — tsk tsk tsk napakasama ko pa lang anak dahil noon hindi ako ganun. 😦

Bata pa lang ako noon sanay na ako sa hirap ng buhay, dahil ang pamilya ko ay wala namang yaman para makaranas kami ng kasaganahan sa buhay. Anak ng isang mangingisda ang aking INA at isa namang anak  ng magsasaka sa isang liblib na baryo sa pangasinan ang aking AMA. Parehong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya hindi naging ganun kadali ang pagtaguyod ng mga magulang ko sa aming pamilya. Namatay ang unang Kuya ko dahil sa kakapusan ng pera pampa ospital, sanggol pa lang sya nun, at nagawang magkunwaring buhay ang batang kargakarga ng aking ina para itakas ang bangkay nito dahil sa walang pambayad sa ospital.Isang napakalaking dagok yun para sa kanila. Kaya nagawa ng tatay ko na magsakripisyo at magtiis na mapalayo sa amin para magtrabaho sa ibang bansa.Ngunit sadyang hindi ganun kadali ang buhay, ngkasakit ang tatay ko sa puso kaya hindi na sya ulit nakabalik ng Saudi.Pagtitinda sa palengke ang naging hanapbuhay ng mga magulang ko noon, pero hindi rin nagtagal yun dahil wala nmang permanente sa palengke, maliban na lang kung meron kang sariling pwesto na inuupahan. Pero ang nanay ko hindi nawawalan ng pag-asa, at sadyang masipag. Pagtitinda ng lutong pagkain ang ginawang hanapbuhay ng nanay ko. Nasa elementarya pa lang ako noon kaya tanging taga hugas ng plato ang kaya kong itulong sa kanila. At hindi ko naranasan masyado ang buhay ng isang tipikal na bata, ang makipaglaro ng hangga’t gusto, dahil baka mapalo ka kapag naiwan mong nagtambakan na ang platong hugasan mo. Hanggang sa pagdating ko ng highschool, Gigising ng alas singko y medya ng umaga para tumulong sa pag-aayos ng tindahan, mgbabantay ng hanggang alas syete bago pumasok sa iskwela. Hindi pwedeng sumali sa ano mang  school or out of class activities dahil matatagalan ang oras ko na magstay sa iskwelahan at walang makakasama ang nanay ko sa pamamalengke. Sa kolehiyo ganun pa rin ang takbo ng buhay ko. Hindi pupwedeng kumuha ng pang umagang klase dahil sa umaga ang bukas ng kantina. Kaya siguro noon hindi ko maialis sa sarili ko ang inggit sa mga kaklase ko, Kaya nagagawa ko minsan ang tumakas, ang maging pasaway paminsan minsan, ang masigawan at sumagot ng pasigaw din kapag napapagalitan.Dahil ang pakiramdam ko nakatali na kaagad ako sa responsibilidad sa pamilya. Minsan sa isang pagtatalo nmen ng tatay ko may isang sinabi sya sa akin na talagang tumatak sa isip ko. ” Ganyan ka pa lang, pero kung makatrato ka na sa amen wla ka ng respeto, papano pa kaya kung ikaw na ang ngpapalamon sa amen?? baka sipasipain mo na lang kami!”.  hindi ko alam kung ano ang isasagot ko noon kaya tumahimik na lang ako. Pero hindi nawala sa isip ko ang mga salitang yun.

Nakatapos ako ng pag-aaral at nagsikap na makapagtrabaho abroad, kahit na hindi sanay na mapalayo sa pamilya. Sinikap na matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya, Tumutulong sa pagpapaaral sa nakababatang kapatid, katuwang sa lahat ng problema ng pamilya, Nagtitiis para maibigay ang bawat gustuhin nila, dahil natatakot na baka makaramdam sila ng disappointment dahil hindi mo naibigay ang hinihingi nila,  dahil ang tanging gusto mo lang naman ay ang maging masaya sila.

Pero hindi ako si Darna, Tao lang din ako na nakakaramdam ng pagod, panghihina at kawalan ng pag-asa paminsan minsan. Na gustong sumigaw ng  ” Tympers!!”. pero hindi eh kasi sa laro ng buhay walang tympers.

At sa tuwing naiisip ko yung hirap at sakripisyong nagawa ng mga magulang ko para sa aming mga anak nila, parang nagiging isang masakit na sampal sa akin ang mga bagay na yun. Kaya wala akong karapatang magreklamo dahil kung tutuusin hindi pa sapat ang mga naibigay ko kumpara sa mga ginawang sakripisyo ng magulang ko para sa amin. Nakakalungkot lang isipin na minsan sumasagi sa isip ko na sana eh hindi ko na lang ginusto ang maging isang mabuting anak, dahil napakahirap pa lang maging isang ganun. Pero syempre ang pagmamahal pa rin sa pamilya ang laging namumutawi sa akin kaya kahit na anong hirap kinakaya.

Hindi ko maituturing na isa akong mabuting anak dahil hindi naman talaga. kasi hindi ako perpekto, may mga pagkukulang pa rin ako bilang isang anak sa mga magulang at sa pamilya ko. Pero ang alam ko lang mahal ko ang pamilya ko kaya emotera ako ngayon..hahaha! ang haba na ata nitong pagbabalik ko ah!?nakakalurkey sa haba..haist mabuti na lang at meron pa pala akong blog at dahil dito medyo nabawasan  na ang pag eemot ko. chao!

Minsan may mga gabing nasa iyong kama ka na at nakahiga at ninanais ng matulog pero kahit na anong gawin mo eh hindi ka pa rin dalawin ng antok…Kaya nman minsan may mga bagay na naiisip kang gawin para lang maibsan ang nararamdaman mong pagkabalisa at pagkabagot…Pipiliting pagurin ang sarili upang sa muli mong paghiga sa iyong kama ay maipipikit mo ang iyong mga mata na may ngiti sa iyong mga  labi.

Kung kaya naman, ikaw, kung sakaling may mga gabing hirap ka sa pagtulog maari mo rin itong gawin para nman maging masaya ang iyong pagtulog…

.

.

.

.

.

I 059I 061I 064I 065I 066I 067I 063

weeeeh! adik lang sa picture yan may insomia rin kaya dis oras ng gabi gising pa…ahihi 😛

 

!

ikay

Walang pamagat…

Posted: October 6, 2009 in Uncategorized

Bulagaaaa!…ahihi…

Nagpaparamdam lang… buhay pa naman ako yun nga lang nasalanta kc ako ng bagyo…binagyo ako ng katamaran kaya e2 humigit kumulang hindi na mabilang na araw na pala akong hindi nakakapag update nitong aking blog.

***Sobrang nakakalungkot ang nangyaring sakuna sa Pilipinas nitong ngdaang araw dulot ng bagyong si Ondoy at itong si Pepeng, ang mga hitad talagang ngpakasayang nagbuhos ng kanilang lakas sa ating Lupang hinirang…Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa at nakakapagpataba ng puso… ang walang kondisyong pagtutulungan ng bawat Pilipino sa bawat isa…dito mo makikita ang pagiging mapagmahal sa kapwa ng mga pinoy, at dito the best ang mga Pilipino, na kahit na nasaan mang lupalop ng mundo ito nagagawa pa ring tumulong sa kapwa.

Isang napakalaking  trauma sa ating mga Pilipino ang pangyayaring ito pero naniniwala akong kakayaning makaahon at maibalik ng mga kababayan nten ang dati nilang pamumuhay…maaaring baka matagalan pa dahil sa tindi ng idinulot nito, pero sa tulong ng ating mga panalangin  alam kong malalagpasan ng ating mga kababayan ang pagsubok nato…Hindi nga bat isa rin sa mga karakter ng mga pinoy ay ang pagiging survivor kaya go go go lang ang buhay.

Sabi nga sa isang tag line “Walang iwanan sa bayan ni Juan”..naks kapamilyang- kapamilya.. ^_^

 

 

!

ikay

Kung ano lang!

Posted: August 12, 2009 in Uncategorized

O alam ko na sasabihin mo….eh obvious na obvious nman di ba?? bago theme ko..hehehe

Bored lang kc kaya ayan itong blog ko ang napagdiskitahan kong ayusin, eh wala rin nman akong maisip na maipopost (makikigamit ng WB ha kahit hindi nman ako writer). isa lang nman kc akong ingetera kaya ako ngboblog.

Sa makailang buwan ko na rin d2 sa blogosphere eh pansin ko lng din na maka ilang beses na rin pla akong ngpapalitpalit ng theme at khit d2 eh sabit sabit ko pa rin ang ugaling gnito…naalala ko pa nuong college pa ako ang kwarto ko wlang permanenteng ayos…every week ng iiba ako ng ayos lahat ng gamit ko sa kwarto umiikot, sabi pa nga minsan sken ng nanay ko “cguro kung pepede lang eh yang kama mo eh baka naisabit mo na hindi ka laging mapakali kaya wala kang permanenteng desisyon sa buhay mo eh”. at ang sagot ko naman sa knya ” ano nmang koneksyon nun”??…tapos bubulong pa ako ng “walang basagan ng trip”..hehehe!

haaayz actully wala lng to…gusto ko lng mg update…hehehe! at nga pla salamat kay kuya rye ng Flamindevil sa palaging pagtatanong kung may bago ng post at dahil jan eh naalala kong kailangan ko na palang mg update..thankies naman.

 !

ikay