Archive for the ‘mga ka ikayan’ Category

Ooops teka lang!

Posted: August 10, 2010 in mga ka ikayan, Uncategorized

Matapos ang matagal-tagal at malimit na pagadalaw ko dito sa aking blog… eh heto ako ngayon muling nagpaparamdam.

Pasensya na tinamad lang po.

Advertisements

FedEx

Posted: April 12, 2010 in mga ka ikayan

Hindi ko alam kung papano at kung kelan nangyari to…Basta isang araw na lang pag kagising ko at sa muling pagkakita ko sayo, may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo, At mas ginugusto ko ang laging titigan ka.

Parang tanga lang na bumalik yung pakiramdam na para kang teenager na kinikilig sa tuwing nakikita mo yung isang tao na kung tutuusin eh hindi na man kayo magkakilala ng personal. Na madalas eh tinatanaw mo lang sya at ng iilusyon  na sana ikaw nga yung nginingitian nya, na sa bawat titig ng kanyang mga mata eh pakiramdam mo sinasabi nya sayo na ” I’m Yours Darling”…bwehehehe!

Alam kong para lang akong  ilusyunada ng iilusyon  na mapansin mo, dahil alam ko rin nman sa sarili ko na hindi mo talaga ako mapapansin. Pero choks lang yun, at least kahit papano may saya akong nararamdaman sa tuwing nakikita kita. At kahit na hindi man tayo mgkakilala ng personal gusto ko parin na ma greet ka kahit sa ganitong simpleng paraan lang dahil alam ko rin nman na sobrang excited ka na para sa araw na yun. Alam ko kung gaano mo kamahal ang pamilya mo kahit na hindi nga tayo ngkakapag usap. Alam ko rin kung gaano ka kabuti sa mga kaibigan mo, kung gaano mo pa rin sila kamahal  kahit na yung iba eh nasa malayong lugar na rin. (oist hindi po ako istoker ha!)hehehe.

Advance Happy Birthday!!! Wish you good health and happiness in life… always keep that smile ^__^

Minsan may mga gabing nasa iyong kama ka na at nakahiga at ninanais ng matulog pero kahit na anong gawin mo eh hindi ka pa rin dalawin ng antok…Kaya nman minsan may mga bagay na naiisip kang gawin para lang maibsan ang nararamdaman mong pagkabalisa at pagkabagot…Pipiliting pagurin ang sarili upang sa muli mong paghiga sa iyong kama ay maipipikit mo ang iyong mga mata na may ngiti sa iyong mga  labi.

Kung kaya naman, ikaw, kung sakaling may mga gabing hirap ka sa pagtulog maari mo rin itong gawin para nman maging masaya ang iyong pagtulog…

.

.

.

.

.

I 059I 061I 064I 065I 066I 067I 063

weeeeh! adik lang sa picture yan may insomia rin kaya dis oras ng gabi gising pa…ahihi 😛

 

!

ikay

naGtatan0nG LanG???

Posted: October 14, 2009 in mga ka ikayan
Tags: ,

Ah eh may isang katanungan lang ang isang taong biglang naguluhan…. “Kapag ba nakalimutan mo ang isang pangyayari sa buhay ng isang taong dating naging importante sayo, eh ibig bang sabihin nun wa pakels ka na sa kanya???”…hmmmm??!

hmmp!

 

Belated Happy Birthday na nga lang..ahihi

.

.

.

.

.

.

.  .  . 

       .

AM2

 

 

!

ikay

Wenesday is my DAY!

Posted: July 5, 2009 in mga ka ikayan

Wednesday July 8 hmmm…isa ito sa mga masasayang araw ng buhay ko at ipagpapasalamat mo bakit? kc nman ito ang araw na isinilang ako sa mapaglarong Earth nato….yes! u read it right hapibetdey ko na at isa pang yes! isa nga po akong cancer,  na parang sakit lng na kapag nadapuan ka eh mahihirapan ka ng tanggalin sa katauhan mo…pero teka muna hindi nman ako yung bad side ng sakit na cancer noh eh infairness nman mabait nman ako…(oh wak ka ng umangal walang pulis d2 at tsaka blog ko to noh!)nyahaha…

Huwell wala akong mahabang listahan ng birthday wish, actually nga nyan eh hindi ako talaga gumagawa nito…kc hindi ko rin naman  naiisip na gumawa cguro hindi ko lng sya trip talaga…hehehe!

Pero ngayon kung pagagawin ako ng birthday wish list…cguro may dalawang bagay lang akong hihilingin…

1. Good health pra sa parents ko, lalong – lalo na sa daddy ko na may sakit sa puso… sana laging silang OK.

2.  At ang magkaroon ng sariling pamilya.

Yun lang nman talaga ang mga  pinakahihiling ko kay GOD eh…At sana wag syang magsawa sa pakikinig sken sa tuwing kausap ko sya sa gabi bago ako matulog.

“And I’m very thankful to you oh LORD for giving me all of these blessings”…

1. My family.

2. My work.

3. My friends…at syempre ang mga new friends ko d2 sa blogosphere.

4. And ofcourse Lord thank you for healing my aching heart…Hindi pa man po cguro gnun ka ganap pero alam ko po na darating yung time na  maghihilom din ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sobrang thank you po talaga….Salamat sa pagmamahal.

 

Ciao!

 

 

ikay

IKAY

17 days…

Posted: March 8, 2009 in mga ka ikayan

logo_singair_1  yahooo!! i got my plane ticket na..matapos ang wlang katapusang pakikipagharutan pagbobooking eh e2 na nga finally nakuha ko na rin  at napagdisisyunan ko na nga na singapore airlines ang aking eroplanong sasakyan…para maiba naman kc lagi na lang mga arab airlines ang nasasakyan ko before at sobrang d ko type ang mga food na sineserve nila kc amoy pa lang amoy arabo na….eewww! hahaha…pero inperness meron din nman akong mga nagugustuhang arabic food pero iilan lang.

hayzz! nakakaaligaga talaga kapag pauwi….17 days to go!

pangarap ko ang ibigin ka!?

Posted: February 18, 2009 in mga ka ikayan

Noon nung tayo’y mga bata pa, madalas tinatanaw kita mula sa malayo sa Tabing Ilog  kasama ng mga barkada mo. at ako Kay Tangal Kang Hinintay na sana man lang mapalingon ka’t mapansin mong naroon ako sa malayo at tinatanaw ka.

At humihiling na sana masabi mo sa akin na It Might Be You, dahil ako gustong- gusto kong sabihin sayo na Ikaw Ang Lahat Sa Akin. at ngbabakasakaling marinig mula sa labi mo na “masaya ako Now That I Have You” ..pero hindi dininig ng pagkakataon ang mga kahilingan kong yun.

Kaya lumayo ako para subukang makalimot, nakisalamuha sa mga taong hindi sanay maligo iba ang kultura at amoy camel pananampalataya.

pero ng minsang may isang kakilala akong nakasalubong sa daan sinabi nya sa aking nsa DUBAI ka daw, ang akala ko nalimutan na kita pero mali pala ako dahil e2 na naman ako umaasang baka sakaling this time I can be  Close to You…pero gaya ng dati umasa lng ako.

Ang sabi ng mga kaibigan ko tigilan na raw kita, dahil bakit ko raw ba pinag aaksayahan ng panahon ang isang taong hindi ko nman lubos na kilala, pero ang sabi ko sa kanila  Maging Sino Ka Man handa kitang tanggapin.

Noon humingi ako sa Diyos ng One More Chance na “sana ako nalang, ako na lang ulit”.. dahil alam ko sa sarili ko na para sayo lamang ang A Very Special Love kong ito…Nasaktan ako nung minsan sinabihan ako ng isang kaibigan na “maawa ka nga sa sarili mo, itigil mo na yan, mapapagod ka lang umasa, mapapagod ka lng mghintay, mapapagod ka lang umasang mamahalin ka rin nya”..pero ang sabi ko  ” kahit minsan hindi ko naramdamang nakakapagod syang mahalin”.

kaya lang siguro minsan talagang may mga bagay na hindi talaga para sayo kahit na anong gawin mo…masakit mang tanggapin pero may mga bagay parin akong dapat ipagpasalamat sa mga nangyari ito dahil You Changed My Life dahil natutunang kong maging matatag sa bawat sakit at pagsubok na naranasan ko at alam kong laging gabay ko si Bro.(fafa Jesus)…pero ganun pa man mahal parin kita … ang landi talaga!

sa mga may nais malaman kung sino SYA paki click lng po ito.

 

P.S.  revsiopao maraming salamat po ulit sa napakalaking tulong nyo!kabahagi ka ng post kong ito… (parang western union bilis padala) nyek korni!