Nandito pa AKO!

Posted: March 29, 2010 in emo mode, Uncategorized

Paano nga ba ang maging isang mabuting anak???

Sa isang magulang  maituturing mo itong isang mabuting magulang kung naibibigay nya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak, napalaki nya ito ng may respeto sa kapwa, may takot sa DIYOS at napabuti ang buhay nito dahil naipagpatapos nya ito ng pag-aaral.

Ngunit sa isang anak? Papano nga ba maituturing na ikaw ay isang mabuting anak sa iyong magulang…sa iyong pamilya?

Tama lang ba yung maging masunurin ka sa bawat pangaral sayo ng magulang mo na sa tuwing may pagkakamali ka at napapagalitan ka ay hindi ka sumasagot nang pabalang at nang pasigaw, ay maari ka na bang ituring na isang mabuting anak? — tsk tsk tsk napakasama ko pa lang anak dahil noon hindi ako ganun.😦

Bata pa lang ako noon sanay na ako sa hirap ng buhay, dahil ang pamilya ko ay wala namang yaman para makaranas kami ng kasaganahan sa buhay. Anak ng isang mangingisda ang aking INA at isa namang anak  ng magsasaka sa isang liblib na baryo sa pangasinan ang aking AMA. Parehong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya hindi naging ganun kadali ang pagtaguyod ng mga magulang ko sa aming pamilya. Namatay ang unang Kuya ko dahil sa kakapusan ng pera pampa ospital, sanggol pa lang sya nun, at nagawang magkunwaring buhay ang batang kargakarga ng aking ina para itakas ang bangkay nito dahil sa walang pambayad sa ospital.Isang napakalaking dagok yun para sa kanila. Kaya nagawa ng tatay ko na magsakripisyo at magtiis na mapalayo sa amin para magtrabaho sa ibang bansa.Ngunit sadyang hindi ganun kadali ang buhay, ngkasakit ang tatay ko sa puso kaya hindi na sya ulit nakabalik ng Saudi.Pagtitinda sa palengke ang naging hanapbuhay ng mga magulang ko noon, pero hindi rin nagtagal yun dahil wala nmang permanente sa palengke, maliban na lang kung meron kang sariling pwesto na inuupahan. Pero ang nanay ko hindi nawawalan ng pag-asa, at sadyang masipag. Pagtitinda ng lutong pagkain ang ginawang hanapbuhay ng nanay ko. Nasa elementarya pa lang ako noon kaya tanging taga hugas ng plato ang kaya kong itulong sa kanila. At hindi ko naranasan masyado ang buhay ng isang tipikal na bata, ang makipaglaro ng hangga’t gusto, dahil baka mapalo ka kapag naiwan mong nagtambakan na ang platong hugasan mo. Hanggang sa pagdating ko ng highschool, Gigising ng alas singko y medya ng umaga para tumulong sa pag-aayos ng tindahan, mgbabantay ng hanggang alas syete bago pumasok sa iskwela. Hindi pwedeng sumali sa ano mang  school or out of class activities dahil matatagalan ang oras ko na magstay sa iskwelahan at walang makakasama ang nanay ko sa pamamalengke. Sa kolehiyo ganun pa rin ang takbo ng buhay ko. Hindi pupwedeng kumuha ng pang umagang klase dahil sa umaga ang bukas ng kantina. Kaya siguro noon hindi ko maialis sa sarili ko ang inggit sa mga kaklase ko, Kaya nagagawa ko minsan ang tumakas, ang maging pasaway paminsan minsan, ang masigawan at sumagot ng pasigaw din kapag napapagalitan.Dahil ang pakiramdam ko nakatali na kaagad ako sa responsibilidad sa pamilya. Minsan sa isang pagtatalo nmen ng tatay ko may isang sinabi sya sa akin na talagang tumatak sa isip ko. ” Ganyan ka pa lang, pero kung makatrato ka na sa amen wla ka ng respeto, papano pa kaya kung ikaw na ang ngpapalamon sa amen?? baka sipasipain mo na lang kami!”.  hindi ko alam kung ano ang isasagot ko noon kaya tumahimik na lang ako. Pero hindi nawala sa isip ko ang mga salitang yun.

Nakatapos ako ng pag-aaral at nagsikap na makapagtrabaho abroad, kahit na hindi sanay na mapalayo sa pamilya. Sinikap na matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya, Tumutulong sa pagpapaaral sa nakababatang kapatid, katuwang sa lahat ng problema ng pamilya, Nagtitiis para maibigay ang bawat gustuhin nila, dahil natatakot na baka makaramdam sila ng disappointment dahil hindi mo naibigay ang hinihingi nila,  dahil ang tanging gusto mo lang naman ay ang maging masaya sila.

Pero hindi ako si Darna, Tao lang din ako na nakakaramdam ng pagod, panghihina at kawalan ng pag-asa paminsan minsan. Na gustong sumigaw ng  ” Tympers!!”. pero hindi eh kasi sa laro ng buhay walang tympers.

At sa tuwing naiisip ko yung hirap at sakripisyong nagawa ng mga magulang ko para sa aming mga anak nila, parang nagiging isang masakit na sampal sa akin ang mga bagay na yun. Kaya wala akong karapatang magreklamo dahil kung tutuusin hindi pa sapat ang mga naibigay ko kumpara sa mga ginawang sakripisyo ng magulang ko para sa amin. Nakakalungkot lang isipin na minsan sumasagi sa isip ko na sana eh hindi ko na lang ginusto ang maging isang mabuting anak, dahil napakahirap pa lang maging isang ganun. Pero syempre ang pagmamahal pa rin sa pamilya ang laging namumutawi sa akin kaya kahit na anong hirap kinakaya.

Hindi ko maituturing na isa akong mabuting anak dahil hindi naman talaga. kasi hindi ako perpekto, may mga pagkukulang pa rin ako bilang isang anak sa mga magulang at sa pamilya ko. Pero ang alam ko lang mahal ko ang pamilya ko kaya emotera ako ngayon..hahaha! ang haba na ata nitong pagbabalik ko ah!?nakakalurkey sa haba..haist mabuti na lang at meron pa pala akong blog at dahil dito medyo nabawasan  na ang pag eemot ko. chao!

Comments
  1. mjomesa says:

    tita, kelangan mo nga talaga ng tympers! hehehe…peace..

  2. dlysen says:

    Pag ako napapagalitan alam ko may ginawa akong mali. Kailangan ko lang nang paliwanag nila bakit sila nagagalit. Don’t worry Ikay kung lagi ka pinapagalitan mas ok yon para magsawa agad. Pero mas nakakatakot pag di kana nila pinakikialaman, baka kc hindi kana nila mahal. kaya mas ok narin ung palagi tayo napagsasabihan.

  3. jbert says:

    ganda nang sulat mohhh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s