Walang pamagat…

Posted: October 6, 2009 in Uncategorized

Bulagaaaa!…ahihi…

Nagpaparamdam lang… buhay pa naman ako yun nga lang nasalanta kc ako ng bagyo…binagyo ako ng katamaran kaya e2 humigit kumulang hindi na mabilang na araw na pala akong hindi nakakapag update nitong aking blog.

***Sobrang nakakalungkot ang nangyaring sakuna sa Pilipinas nitong ngdaang araw dulot ng bagyong si Ondoy at itong si Pepeng, ang mga hitad talagang ngpakasayang nagbuhos ng kanilang lakas sa ating Lupang hinirang…Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa at nakakapagpataba ng puso… ang walang kondisyong pagtutulungan ng bawat Pilipino sa bawat isa…dito mo makikita ang pagiging mapagmahal sa kapwa ng mga pinoy, at dito the best ang mga Pilipino, na kahit na nasaan mang lupalop ng mundo ito nagagawa pa ring tumulong sa kapwa.

Isang napakalaking  trauma sa ating mga Pilipino ang pangyayaring ito pero naniniwala akong kakayaning makaahon at maibalik ng mga kababayan nten ang dati nilang pamumuhay…maaaring baka matagalan pa dahil sa tindi ng idinulot nito, pero sa tulong ng ating mga panalangin  alam kong malalagpasan ng ating mga kababayan ang pagsubok nato…Hindi nga bat isa rin sa mga karakter ng mga pinoy ay ang pagiging survivor kaya go go go lang ang buhay.

Sabi nga sa isang tag line “Walang iwanan sa bayan ni Juan”..naks kapamilyang- kapamilya.. ^_^

 

 

!

ikay

Comments
  1. deejay says:

    base! hi ikay! howishu?!?

  2. p0kw4ng says:

    kendeng kendeng lang!!! hihihi ang cute nong kendeng mo!

    kakatats nga ang pinakitang ugali ng mga pinoy sa oras ng pangangailangan…sana pati nasa gobyerno ganon din!!

    • IKAY says:

      @p0kw4ng, ay korek k jan ate powks sobrang kakatats nga yung mga kababayan nten tumulong.
      at alam mo bang may nabasa ako na ang punyetang gobyerno eh pagkakaperahan pa ang mga donasyon.
      “Cash donations made to privately-led groups assisting typhoon victims remain subject to donor’s tax, the Philippines’ tax chief said.” full story here

  3. kikayness says:

    twin sis! amishusomats!

    …ahhh…ehm…..dami ko na utang na kwento ahehehehehe

  4. joycee says:

    Uy may new post hihi! Kala ko inanod na ng baha ang blog mu wehehe joke lang!

    Kumusta pamilya mo dito sis?

  5. teentoinks says:

    Hi Ms. Ikay!

    Korek, nakakalunod ang bayanihan ng mga kapwa natin Pilipino. Sa kabila ng ganitong sitwasyon marami parin ang dapat ipagpasalamat.

    Pers time ko dito… add kita sa blog roll ko ha! =))

    • IKAY says:

      @teentoinks, hi Ms. Tina!
      oo nga eh sobrang maasahan talaga ang mga kababayan nten.
      salamat sa pagdaan add n rin kita.🙂

  6. Reesie says:

    ikaaay!!! welcome back sisterette! hehe

    tama, nakita talaga ang pagtutulongan natin noong nakaraang sakuna..marami ang tumulong mayaman man o mahirap.

    sana may napulot tayo na aral sa pangyayaring ito.

    napakaserious naman ng comment ko. hehe.

    anyways, glad to hear that you’re safe.😀

    • IKAY says:

      @reesie, ay mare safe na safe talaga ako d2 sa baha, dahil ang ulan d2 pagdumaan natutuyot na sa sobrang init..hehehehe!

      at sana rin matutung mahabag ang gobyerno nten at unahin ang pagtulong sa mga nasalanta.

      tnx sa welcomeback..ahihi😉

  7. Alkapon says:

    kaming taga malabon ay isa sa mga labis na nasalanta sa nagdaang bagyo, halos mawalan ng pag-asa upang makabangon sa aming pagkakalugmok.

    pero sa ngayon, ay unti-unti na muling nakakabangon, kelangan muling lumaban at maging matatag sa mga pagsubok ng buhay.

    napadaan lang kapatid, dadalasan ko ang pagdalawa sa site mo.. mahusay at nagustuhan ko… dalawin mo rin ang site ko pag ikaw ay may panahon… tiyak malilibang ka.

    • IKAY says:

      @Alkapon, good to know na kahit papaano eh nagagawa nyo ng makabangon muli…sobrang nalungkot din ako sa mga sinapit ng iba nteng mga kababayan jan sa pilipinas..Pero nakakatuwang isiping na dahil d2 eh naipakita nten sa isa’t isa ang pagmamahal nten sa kapwa.

      Salamat sa pagdaan at sobrang kinilig nmn ako kc nagustuhan mo itong aking munting tahanan..ahihi
      at dahil jan iaadd na kita sa blogroll ko..hehehe :)) cge bisitahin kita *sana may mirienda*…😛

  8. flamindevil says:

    ms.ikay, gladys, i need your help pls…it will only take 30 seconds..vote for me in the philippine blog awards!#35-flamindevil..pls click the link then you can see on the left side there’s a voting area.click#35 then submit vote.thanks in advance…this means a lot to me. :p

    btw, bonistation is number 33 and topexpress is number 34..u can vote 3 people at the same time. thanks po.

    http://pinoyexpatsblogawards.com/

    • IKAY says:

      @Flamindevil, asus u dont need to ask me pa noh…i already voted you, (boni and tope) nung isang araw pa kya…ahihi
      ikaw pa eh malakas ka sken…weh!😛 (khit dedma mo p rin ako sa FB huhuhu)
      goodluck s inyong mga nominated…mawh!

  9. Heleyna says:

    mga hitad ba si ondoy at pepeng? hahaha

    sinabi mo pa lam mo naman nabiktima rin kami ni Ondoy
    pero sa awa ng Diyos napakaswerte pa namin kumpara sa mga ibang nasalanta. Kung may natutunan ako sa nangyari, yun ay ang
    maka-appreciate ng kung anong meron ako at maging matatag sa kahit na ano pang darating na problema, at shempre maghanda ng flashlight hihi

    • IKAY says:

      @mahal, oo mga hitad sila (bading)…😛
      Kaya nga sobrang techu ako kay Lord kc khit papano may mga iba na hindi
      nasalanta, at para naman sila ang makatulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
      at korek ka mahal ang pangyayaring ito ay isang malaking aral sa ating lahat.. muawhchup!😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s