Period (.) Tuldok!

Posted: June 28, 2009 in Uncategorized

Isang napalaking pasensya nman sa aking mga mambabasa (oo MGA dahil hindi na lang ikaw at ako ang ngbabasa d2 mga 3 na tyo..nyahahaha). dahil sa napatagal na nman ang aking pagtulog at nawala na naman sa isip ko na matagaltagal na nman pla akong hindi nakakapag update nitong aking blog.

May isang nilalang lang kc na nakapagpapukaw na naman sa aking kamalayan nitong ngdaang mga araw.

Sa isang pag-uusap sa YM habang ako eh ngpapatay ng oras d2 sa opisina at nghihintay na lang ng oras para umuwi…

(hindi ganito kaeksakto yung pag-uusap nmen, pero parang ganito na rin yun…nyaa! ang gulo mo!)…

B.F (Blog Friend) : meron nga pala akong post about sa inyong mga blog girl friends ko.

Ako :  ay cge daan na lng po ako dun pag may time.. ^_^

B.F : cge asahan ko yan ha!

Ako : oo nman po

Ako : buti ka pa laging may bagong post, eh  ako wlang matinong maipost kc puro umpisa lng.

B.F : eh di tapusin mo.

Ako : eh papano ko nga po tatapusin eh hindi ko nga alam kung papano tatapusin…hehehe

B.F. : eh di lagyan mo ng period.

Ako : hehehe…hmmm! oo nga nman.

Hindi pa duon natapos ang pag-uusap na yun…Pero sa napaka simpleng sagot na yun sa akin ni Kuya, may mga bagay na biglang ngparealize sa akin…at biglang ngbalik ang mga alala (naks parang MMK).

Naisip ko lng na maaring baka ang dahilan mo na kaya mo ipinalit sa pangalan ko eh ang period sign sa phonebook mo eh dahil sa ibig sabihin nito eh para syo tapos na ang lahat ng tungkol sa akin…Na ang ibig sabihin nun eh wla na, tapos na, wala ng kasunod pa…Na hindi mo gugustuhin pang dugtungan pa ang mga bagay na nangyari sa aten..Na hanggang dun na lang at wala na…wala nang dapat asahan pa.

Masakit kung iisipin pero yun ang katotohanan nun…Aaminin ko minsan may mga pagkakataon parin na nasasaktan ako lalo na sa tuwing nakikita ko yung mga pictures mo sa FS na kargakarga mo yung baby mo…Pero sa isang banda, natutuwa na rin ako pra syo kc nakikita ko na masaya ka dahil natupad na yung isa sa mga gusto mo ang maging daddy pero hindi nga lang ako ang mommy..huhuhu!😦

Siguro nga gusto na rin talaga ni LORD na makapag-isip-isip ako at gawin na ang tama at dapat para sa sarili ko..Dapat ko na rin sigurong lagyan ng TULDOK ang mga bagay bagay na nag-uugnay ng tungkol sa iyo at itago sa baul ang mga memorabilyang iniwan mo..at gawin itong kahulihulihang pagpatak ng luha ko para syo.

Dahil kinakailangan ko na ring simulan ang bagong yugto ng buhay ko na hindi na ikaw ang nasa isip ko…At hayaang maging masaya at bigyan ng pagkakataong mahalin at magmahal muli.

At ngayon hindi man ako sigurado pero handa akong sumugal ulit at humihiling sa DIYOS na sana sa pagkakataong ito eh sya na nga yung matagal ko ng hinihintay….asus lumalandi na naman..nyahaha.

Kaya friend LORD, please give me a sign!! please!

sana lng wag na period sign. 

 

 

ikay

IKAY

Comments
  1. sana ako dun bigyan ni Lord nang matinong sign…nung isang araw humingi ako ng sign, medyo morse code yung binigay nya…nahilo tuloy ako

    • IKAY says:

      @twinsis kikay, eh sister bka nman hindi pa talaga sya yung gusto ni Lord para syo…
      wait ka lng darating din yun baka na traffic lng…nyahaha!
      muawhugs sis!

  2. AC says:

    hi ikay!

    una sa lahat, salamat sa laging pagbisita sa aking blog.🙂

    at eto lang ang msasabi ko: kapag may beybi na si pogi at settled na sa buhay may-asawa, wag na ate ha? madami pang iba jan na mas karapat dapat sayo at sa pagmamahal mo.

    uulitin ko ulet dito yung nasa blog ko, na sinabi ni maricar sa isang series sa ch2:

    i want a man who wants me to be his woman.. and not his other woman.

    okidoks? hehe.🙂

    • IKAY says:

      @AC, hello AC tenchu din at napagbigyan mo ng oras na dalawin itong aking
      blog hauz.
      and tenchu, tenchu din sa advise.. ^_^

  3. Heleyna says:

    Waaaaaaaaah. naman mahal eh. kelangan ba ganito ang topic naman naman. Naalala ko tuloy yung mga usapan natin sa YM. Nakakalungkot na nakakatawa na nakakabaliw wahaha.

    Pero salamat sa mga usap natin kahit sinabihan mo kong “baliw” at “adik” ako. Alam ko love mo ko bwahaha.

    At tulad ng sinabi ko sayo…let it go. Andami namang nakapila dibaaaaaaaaaa????????

    Haha gudlak mahal sa pagpili ng right guy! At gudlak din sa kin…lol

    • IKAY says:

      @heleyna, mahal alam mo nmang lambing ko lng syo yun eh…”balliw”
      “adik”! nyahaha
      pero salamat din sa mga usap nten sa YM ng kabaliwan nteng 2..bwahaha
      basta if ever man na busy si joycee at kailangan mo ng kausap…gaya ng sabi ko
      syo nuon willing akong maging karelyeno karelyebo ni joycee..nyahaha!

      at gudlak sa ating lahat na singol sa pagpili ng ryt guy. ^_^

  4. Mon says:

    hindi ko pa nababasa ang post na eto dahi limitado ang ang time ko ngayon. just wanna let u know na natawa ako sa comment mo dun sa blog ko. hehe

    na-add na kita sa bloglist ko under wordpressers ayun!
    Have a great day!

  5. Mars says:

    opps! Mali ka, pag pinalitan ng period ang name mo sa phonebook ibig sabihin nun, kaw ang una or priority ka nya, try mo.

    dpende nga lang sa phone na gamit

    • IKAY says:

      @Mars, ewan ko lang mars ha! pero hindi ko naramadaman yun na ako ang priority nya
      wla na nga sya pakialam sken eh…😦
      anyway… highway… tutal nman matagal na yun…kaya hayaan nlng naten sya! ^_^

  6. Maldito says:

    gusto ko lang malaman mo na pinahirapan mo ako sa paghahanap nitong page mo..ha ha ha…di ka kasi nagiiwan ng link..sos ka.

    anyway, indi sa lagat ng panahon pag nilagyan mo ng tuldok ang isang bagay, meaning nun tapos na. Merong mga bagay na kahit anong lagay mo ng tuldok, magpapatuloy pa rin ito.

    kagaya nito……….

    di ba maraming tuldok yan pero ang ibig sabihin nun eh continous parin ang loop. he he he….

  7. hahahahaha…parang kilala ko ang ka-ym mo ah! period!

  8. Mon says:

    ayan nabasa ko na. hehe. darating din yan… manalig ka! hehe

    kung hindi ngayon ang panahon,
    na para sa iyo.
    wag maiinio dahil ganyan, ang
    buhay sa mundo.
    wag mawawalan ng pag-asa..

    ayan napakanta pa ko. hehe

  9. joycee says:

    Awww nakakalungkot😦 why do these things have to happend? isa lang ang sagot, it’s not meant to be.

    pag may nawawala, may dumating. cheer up sis, *mwahhhh*

  10. p0kw4ng says:

    aww kalungkot naman!

    pero korek si blu don (tama ba?hihihi)…lagyan mo ng tuldok,hehehe

    i know di madaling gawin yung mga advices na naririnig mo..ikaw din sa sarili mo ang makakaramdam kung ano ang tama…ang masasabi ko lang…darating ka din sa paglalagay ng tuldok..di mo pa lang siguro alam kung kailan…cheer up ikay!

    • IKAY says:

      @p0kw4ng, korek ka nga ate powkie! ahihi…
      tnx ate ymay sobrang tats ako sa sinabi mo..*teary eyes*
      sana nga e2 na nga yung time sa paglalagay ko ng tuldok.
      muawhugs* ^_^

  11. bipolarsisa says:

    si kuya blu. hehe.😉

    tuldukan na ‘yan at magsimula ng bagong kwento.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s