unsent letter for manong

Posted: February 21, 2009 in kwentong pamilya
Tags:

ikaw ang # 1 enemy ko noon…laging masama ang loob ko sayo kc laging ikaw ang nasusunod, madalas ako ang napapalo ni nanay kc lumalaban daw ako sayo eh ikaw daw ang kuya kaya dapat hindi kita inaaway…pero ang hindi alam ni nanay ikaw ang nang aaway dahil hindi ko sinusunod ang utos mo…  pano nman wala ka ng ginawa kundi mg utos ng mg utos….tapos kapg hindi kita sinunod may batok pang kasama yun… wristling ang madalas na laro naten at madalas bugbog sarado ang abot ko syo kc tinotutuo mo yung bugbugan nten kaya iiyak nalang ako tapos ako pa ang papagalitan ni nanay…alam ko peyborit ka ni nanay kc ikaw ang panganay at ng iisang lalaki noon, eh ng iisang babae din nman ako ah, si tatay lng naman ang kakampi ko eh kaya lng lagi syang wla noon kc nasa malayo sya ng tratrabaho sa saudi.

apat na taon ang agwat ng edad nten kaya nung grumadweyt ka ng highschool ako nman eh gradweyt ng elementary…ang saya ko na noon kc hindi mo na ako binabatukan at hindi na rin ako pinapalo ni nanay kc cguro napapansin nyong ng-uumpisa na akong kumerengkeng mgdalaga…hindi na rin bumalik ng saudi si tatay noon kc hindi na sya pumasa ng medical nya at duon nten nalamang may sakit na pala sya sa puso.

kaya ngsikap nalang sila ni nanay na mgtinda para mayron tyong pangtustus sa pang araw- araw…and then naging tatlo na tayo kc ngrequest ako kela nanay na gusto kong maging ate kaya nman ginawa nila si bunso, at sampung taon ang agwat ng edad nmen ni bunso kaya nman ako ang taga pg alaga nya…na gaya rin nman ng ginawa mo noon sa aken, alam ko yun kc may piktyur pa nga tayo noon nung baby pa ako ikaw ang taga bantay ko habang nsa bukid sila nanay noong nsa probinsya pa tayo nkatira.

pero sa tuwing ngpapaalam ako kela nanay kapag may lakad ang barkada eh madalas hindi nila ako pinapayagan, pero kapag ikaw ok lng kahit out of town pa yun kc madalas kyong mg hiking ng mga barkada mo…at sumasama ang loob ko syo noon kc alam kong ikaw ang peyborit ni nanay kya ka nya laging pinapayagan.

nung grumadwyet ka ng college laking tuwa na nila nanay kc sa wakas may makakatulong na sila sa panggastos sa bahay at ang usapan pa nga noon eh ikaw ang mgpapaaral sa aken sa college ko…pero asa pa sila! kc naman mas madalas pa ang tambay ka kesa sa may trabaho ka…at meron ka pa nga trabaho noon di ba na parang doctor ka kc on call lng ang skedyul ng trabaho mo ang astig di ba!?.

hindi ka sintemyentong tao nangingilabot ka nga sa mga ka dramahan ko eh…pero nung ng debut ako kahit alam kong nababaduyan ka sa 18 roses dance na yan eh nakisali ka pa rin kahit na puro kantyaw ang inabot  mo sa mga katambay mo sa may kanto nten ok lng sayo…kc alam ko mahal mo ako.

nung grumadweyt ako ng college tsaka ka nman ngkaron na ng matibay na trabaho, nakasakay ka na ng barko…ako ang taga bili mo ng flowers pra sa jowa mo noon tuwing balentyms day kc nga nsa barko ka, at akalain mong two timer ka rin pala…hehehe mgkapatid nga tayo (pero noon yun behave na po ako ngayon) at isang sekretong malufeet nten yun sa dalawang jowa mo na naging friends ko pa nga noon.

pero narealized mong mas mahal mo yung pangalawa mo kaya nman sya ang pinakasalan mo…pero ang daya daya mo kc hindi mo man lng ako pina attend sa kasal mo umiiyak pa nga ako syo noon nakiki usap na sana kung pupwede sa susunod na taon na lng kc kakaalis ko nga lng ng pinas noon at bago pa lng ako sa trabaho ko d2 sa kuwait…pero masyado kayong atat ni ate kya hindi nyo na pinagkaabalahang antayin pa ako pra makaattend ng kasal nyo, pero ok lng yun kahit malungkot ako eh masaya na rin kc alam kong masaya ka noong araw na yun…kahit na alam mong ayaw sa kanya ni nanay kc hindi nya kasundo ang balae nya eh pumayag prin sila nanay na mgpakasal ka sa knya kc sabi nga ni tatay ke nanay “sa kanya masaya ang anak mo pabayaan mo na sila”.

minsan may mga panahon na gusto kong mgtampo sayo kc pakiramdam ko iniwan mo ako sa responsibilidad nten pra sa mga magulang nten at kay bunso, dahil sa may sarili ka ng pamilya hindi na 100% ang financial support mo pra kela nanay at tatay…pero inaalis ko kaagad sa isip at puso ko ang pakiramdam na yun kc ayokong matulad tyo sa ibang magkakapatid na ngkakaroon ng hindi magandang relasyon dahil lng sa pera…at ayokong magkaroon ng problema ang pamilya nten kahit na kung ano ano ang sinasabi nila (ng mga pinsan nten) tungkol kay ate hindi ko pinapansin yun kc wla nman akong naririnig na hindi maganda mula kela nanay na tungkol ky ate kya ok lng.

matagaltagal narin tyong hindi ngkikita dahil sa hindi ako nakakauwi sa aten at hindi rin nman tyo madalas ngkakausap kc ayaw mong mg cellfone at hindi mo rin nman ako tinatawagan d2 (kuripot)…  pero kung ipapahintulot ni LORD eh magkikita na ulit tyo sa susunod na buwan at sobrang ekseyted na ako sa araw na yun kc makokompleto tyo at kasama na ang pamilya mo.

hindi man kita nabibigyan ng regalo o kahit card sa tuwing bertdey mo eh pingpipray nman kita keBRO.( fafa Jesus) na sana lagi ka nyang gagabayan sa bawat byahe nyo… at  hindi ko man nasasabi sayo kapag sa tuwing  hindi ka ngkukuripot na tinatawagan mo ako eh alam ko na alam mong mahal na mahal kita.

kaya ngayon dahil sa special ang na araw ito para sayo eh isang nakaririmarim  bonggang bongga na pagbati ng……………………………………….

 

 

 

hapi-bertdey

ang handog ko sa iyo….haylabyu kapatid!! and supeeerr miss na kita!

Comments
  1. blurosebluguy says:

    hahahahah ako ang una!

    nakaktouch naman ang kwento mo ikay….ako kasi panganay din pero mabait akong kuya (ehem)…ganun pa man bahagi talaga ng buhay magkapatid ang iyong naranasan…naiintindihan lang natin sa paglipas ng mahabang pahahon na kung saan ang mga sugat ay naghilom na at ang mahalaga ay basahin muli ang kahapon ng may ibang uri ng mga mata (na nagmamahal, nakakaunawa, at mulat sa katotohanan)
    proud naman ako sa ikay, kasi may bago kang kamalayan ay natutunan sa buhay na ito….ay!!!!! tama. tunutulo na ang luha ko….pati yata uhug ko..huhuhuhuhhu…bakit kaya nadamay pa ako sa drama mo…..

    hoy uwi ka pala! hahhhahah, ang saya-saya naman….naku tiyak maraming pasalubong at saka outing to the max ito….saya-saya…..sana magguest ka sa wowowee at batiin mo ako dun ha!

    at saka ang ganda naman ng piktyur dito..authentic na kuya mo ba ito…kasi puti eh! in fairness maganda naman suot nya…masyadong conservative.

    • IKAY says:

      @blurosebluguy naunahan mo si rev. ha!…malamang nga busy talaga yun.

      well mabait nman si manong ko eh yun nga lang hindi kc talaga kmi close noong mga bata pa kmi…kaya wla kming mgaa sweet moment na mag utol.

      hindi nman ganyan itsura ng utol ko noh! hindi ganyan kalaki tyan nun..hehehe

  2. ELIment says:

    touch na touch ako..akala ko tutulo na ang luha ko. mabuti nalang pagscrol ko medyo natuwa ako sa pichur. hehe kaya biglang tumalon yong emosyon at sabay napa HAHAHA!

    paguwi mo ikomusta mo nalang kami kay manong. ang bait mo naman palang ading.

    GodBless at happy birthday kay manong.

  3. joycee says:

    sweet naman ate ikay..🙂

    haberdei sa kuya mo, sana mabasa nya ‘to at sana magkasama kayu ulets.. =)

  4. foobarph says:

    astig! halos mapaluha ako dun ah! balitaan mo kami sa sagot ng kuya mo. parang commercial lang. ^^

  5. revsiopao says:

    Sinisisi ko ng bonggang bongga ang aming WI-FI connection na down pa rin hanggang ngayon… hindi tuloy ako ang UNA… huhuhu!

    Makikibati ako kay KUYA ng Merry Christmas… este Happy Birthday kung saan man siya naroroon ngayon.

    – Kuya kilala mo ba ako?
    – Hindi.
    – Ah ok. Hindi rin naman kita kilala e.

    Toinks!

    Mukhang exciting ang nalalapit niyong reunion. Tiyak super saya nun!

    Super sweet ni kapatid na Ikay… parang tira-tira lang. He he.

    Ciao ciao!

    • IKAY says:

      @revsiopao baka nman po kc gusto lng WI-FI nyo na paunahin mo na muna po ang mga mas bata
      sayo sa pg base! he he he!

      tenchu po sa pagbati!
      nsa africa ngayon si kuya nakikipaglaro ng habulan sa mga LION sa
      ZAFARI..he he!

  6. flamindevil says:

    haha.happy berdey manong.

    there’s nuthin better than a brotherly love.mahal na mahal ka siguro ni manong.swerte ka.at syemps,swerte rin sya sayo.

    at swerte rin ako dahil dinalaw mo ang site ko.salamat sa pagbisita. :p

    • IKAY says:

      @flamindevil ten chu! rin sa pagdalaw sa aking tahanang walang hagdanan.

      mark wla akong choice na hindi sya i love nag iisang manong ko lng kc sya eh…joke!
      eh siryusli mahal ko tlaga yun!
      tnx ulit sa pagdalaw!

  7. kathy says:

    nakidaan po at nakibasa…

    exchange link po tayo^^

    chicksykat.wordpress.com

  8. fatherlyours says:

    Parang ganyan din ang kuya ko. hehehe. Kuya happy birday na lang ang looking forward sa post about your reunion.

  9. azul says:

    hinanap ko pa talaga yung blog mo.buti di ako nahirapan..ahehe haberdey pala kay manong..

    pabisita din po…

  10. Aling Baby says:

    haberdey kay manong mong pasaway.🙂

    maswerte siya kasi mabait kang kapatid. malawak ang pag-iisip at mapagmahal. shempre mahal ka rin ng kuya mo pero indi lang halata kse dyahe hehe…

    sana magkasama-sama na kayo uli.🙂

    pabisita.:)

    • IKAY says:

      @aling baby tenchu po sa pagbisita…pasensya na at hindi ko po
      man lng kyo npghandaan ng meryenda..he he he!
      sa susunod nlng po pra makabalik pa ikaw!
      tenchu po ulit! muwah!

  11. payatot says:

    hello ikay, muntik na lumaglag ang bra ko, este luha ko dahil sa post mo na to..alam mo masarap ang may kapatid na kahit di ka masyadong naaalala ay ramdam mong mahala ka nya di ba? sana nga ay makauwi ka na rin para magkaroon na kayo ng reunion lahat…ingat na lang dyan sa kuwait ikay at musta na rin kay bunso…hapi bday manong..

  12. MARU says:

    ayus sa piktyur! fink na fink ang tupis ni manong.

    ganyan din kami ng kuya ko dati. pero ngayon na medyo tumatanda na kami…pis na kami.

    • IKAY says:

      @mamaruuuuuuuuuu!!!!!

      “magsitayo ang lahat at bigyan pugay
      ang seksing reyna ng blogosperyo”

      mamaru bkit hindi ka man lng ngpasabi
      na bibisitahin mo pla ako eh d sana ngpahanda
      ako ng isang bongang bongang pinging… he he he!

      tenchu soooo much sa pagdalaw!

  13. Heleyna says:

    ang sweet nyo naman magkuya…pangarap ko din mag-kakuya dati nung bata pa ko. Kaso panganay ako kaya imposible na. Kahit kapatid na lalake hindi rin ako nabiyayaan. Naging tibo pa nga ang isa..siguro sa kadadasal namin wahaha.

    Happy birthday manong!

    • IKAY says:

      @heleyna show of endearment nmen ang mgbugbugan he he he!
      pero nung mga bata pa nman kmi nun…
      ako nman puro lalaki ang mga kafatid ko kya tuloy ang
      tingin nila sken lalaki rin..ha ha ha!
      tenchu sa pagbisita doc.

  14. blurosebluguy says:

    hmmm ikay busibusihan ka dyan ha…musta na kaibigan….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s