pangarap ko ang ibigin ka!?

Posted: February 18, 2009 in mga ka ikayan

Noon nung tayo’y mga bata pa, madalas tinatanaw kita mula sa malayo sa Tabing Ilog  kasama ng mga barkada mo. at ako Kay Tangal Kang Hinintay na sana man lang mapalingon ka’t mapansin mong naroon ako sa malayo at tinatanaw ka.

At humihiling na sana masabi mo sa akin na It Might Be You, dahil ako gustong- gusto kong sabihin sayo na Ikaw Ang Lahat Sa Akin. at ngbabakasakaling marinig mula sa labi mo na “masaya ako Now That I Have You” ..pero hindi dininig ng pagkakataon ang mga kahilingan kong yun.

Kaya lumayo ako para subukang makalimot, nakisalamuha sa mga taong hindi sanay maligo iba ang kultura at amoy camel pananampalataya.

pero ng minsang may isang kakilala akong nakasalubong sa daan sinabi nya sa aking nsa DUBAI ka daw, ang akala ko nalimutan na kita pero mali pala ako dahil e2 na naman ako umaasang baka sakaling this time I can be  Close to You…pero gaya ng dati umasa lng ako.

Ang sabi ng mga kaibigan ko tigilan na raw kita, dahil bakit ko raw ba pinag aaksayahan ng panahon ang isang taong hindi ko nman lubos na kilala, pero ang sabi ko sa kanila  Maging Sino Ka Man handa kitang tanggapin.

Noon humingi ako sa Diyos ng One More Chance na “sana ako nalang, ako na lang ulit”.. dahil alam ko sa sarili ko na para sayo lamang ang A Very Special Love kong ito…Nasaktan ako nung minsan sinabihan ako ng isang kaibigan na “maawa ka nga sa sarili mo, itigil mo na yan, mapapagod ka lang umasa, mapapagod ka lng mghintay, mapapagod ka lang umasang mamahalin ka rin nya”..pero ang sabi ko  ” kahit minsan hindi ko naramdamang nakakapagod syang mahalin”.

kaya lang siguro minsan talagang may mga bagay na hindi talaga para sayo kahit na anong gawin mo…masakit mang tanggapin pero may mga bagay parin akong dapat ipagpasalamat sa mga nangyari ito dahil You Changed My Life dahil natutunang kong maging matatag sa bawat sakit at pagsubok na naranasan ko at alam kong laging gabay ko si Bro.(fafa Jesus)…pero ganun pa man mahal parin kita … ang landi talaga!

sa mga may nais malaman kung sino SYA paki click lng po ito.

 

P.S.  revsiopao maraming salamat po ulit sa napakalaking tulong nyo!kabahagi ka ng post kong ito… (parang western union bilis padala) nyek korni!

Comments
  1. blurosebluguy says:

    wow naman….si ikay pag bumanat..inubos na ang title ng pelikula,,,,,,
    galing nang paghabi mo ng iyong kwento…..hay!!!!! ang nagagawa nga naman ng taong umiibig……

    good day kaibigan!

  2. IKAY says:

    blu salamat
    pero nahulaan mo ba kung sino sya!?

  3. blurosebluguy says:

    sori..hindi …eh. tsori talaga…..

  4. anakngpating says:

    wow dutdutin ba teh ikay oh pindutin hehe …ang galing pinagsama2 ang mga tittle ng movie ang kuleeet inlove ka ba ate hehe,..:)

  5. blurosebluguy says:

    ha…sino at ano? pipindutin’? labo mo ikay…tsori di ko na gets!

    • IKAY says:

      wow blu ang labo mo nman oh!hehehe
      dutdutin pindutin mo yang naka hi lyt na word
      na ITO…

      gets mo na!?

      gets ko na!?

      coca cola!!

      nalilito!

      nahihilo!

      coke ko toh!

  6. revsiopao says:

    ha ha ha! panalo ka na naman ikay!
    pakyawin ba ang lahat ng movie titles?!

    at siyempre hindi nila pinindot ang dapat pindutin kaya hindi nila nakita ang kyut na kyut na pichur ko ni john lloyd.

    ayan na po… super inspired si ikay at panay na ang pagpo-post.
    go go go sis!

    p.s.
    walang anuman po.
    na-extra na naman ako dine {blush}.
    e-mail ka lang ulit if you need help. ciao!

  7. blurosebluguy says:

    hayyyyyyy! yun ba……aba eh hindi naman ako nagmamayabang pero …

    ako ….eto di biro ha!

    ako at si JOhn Llyod ay malayong magkamag-anak….

    kaya lang …di magkamukha ! hhahahahahha

  8. IKAY says:

    @bluguy oowwwsss hindi nga wlang joke blu!
    kamag anak mo si john Llyod??
    sinasabi ko sayo blu pagdating sa mahal ko
    wag mo akong jinojoke at nakuh madali akong
    maniwala…nyeks!..hehehe

  9. ELIment says:

    NAKS..ganda ng pagkakatahi mo ng mga title ng songs ah.

    sori ha. akala ko ikaw yun. pareho kase kayo ng pasok. nag-email kase siya at send you url nya. nagkataon naman wla ka url kaya inisip ko na ikaw yong may ari ng bongabon.com. rona din kase name nya. watta co-incidence. hehe

    • IKAY says:

      @ELIment tenchu….tenchu!! pero akchuli hindi lng basta mga kanta yan.
      yan yung mga movies and teleserye ni fafa Lloydie ko….nyaks! adik!

      watta coincidence nga nman well gnun talaga cguro kc pakalat pakalat lng talaga kming mga kyut ikay…nyeks

  10. brotherutoy says:

    nahirapan akong magbasa, Ikay. kasi, bawat song na mabanggit mo, kakantahin ko muna ang chorus bago ako magpatuloy magbasa. heto nga’t na-last song syndrome pa ako sa “You Changed My Life” na kanta.

    “you changed my life in a moment,
    and I’ll never be the same again.
    you changed my life in a moment
    and it’s hard for me to understand
    with the touch of your hand
    in a moment of time,
    all my sorrow is gone…”

    God bless you, Ikay!

    • IKAY says:

      @brotherutoyyyyyyyyyyyy….
      hahaha!!! epekto po yan ng sobrang
      pagmamahal ko kay fafa Lloydie…nyaks! adik!
      sana po sinabayan nyo na rin ng sun dance…hehehe!
      salamat po sa pgbisita.

  11. joycee says:

    yehey makakapagcomment na din ako..

    girl peyborit ko din si lloydie hay naku. at papanoorin ko ang YCML, haysst kiligs.

    add kita links ko.

    *mwahugss
    ~joycee

    • IKAY says:

      yahoooo!!!…nakapasok ka rin d2 sa tahanan kong wlang hagdanan…nyaks! korni.

      buti k pa mapapanood mo na kaagad YCML, ako d2 mghihintay pa kung kelan sila
      mgrerelease ng DVD para mapanood yan…huhuhu!

      tenchu ulit sa help mo gurl!

  12. eli says:

    aba at may hindi pala ako nakita. hehe si papa john lloyd pala ha. gusto ko yong kanya na YCML…kakakilig. hehe

    • IKAY says:

      @ELi ako rin gustong-gusto ko syaYCML
      supeer, mega, ever kinikilig ako khit yung movie trailer plng napapanood ko..nyaks supeeer adiks na talaga!

  13. walongbote says:

    ayos ah napagkabit kabit mo ang mga kanta na naging PALABAS!! di halatang pinagisipan.. hahaha.. nice post there🙂

    • IKAY says:

      @walongbote para bang mukang ewan lng!?hehehe
      akchuli ganyan talaga ang totoong nangyari smen ni fafa Llyodie..nyeks! adik!

      salamat sa pagdalaw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s