akosiikay!

Posted: February 16, 2009 in mga ka ikayan

    Oo  ako si  k  , at sa medyo tinagal tagal na rin nman nitong blog ko (hmmm…mga 4 months?) eh mabibilang mo lang sa daliri ang mga post ko…kung itatanong mo sa akin kung bakit eh ang masasabi ko lng eh kasi inaabot ako ng katamaran ko,at kung minsan kung kelan nman wala ako sa harapan ng pyuter ko at may kung anong kaanik anikang ginagawa gaya ng pag upo sa trono inidoro o kaya nman habang iniimagine ang litson baboy, chicharong baboy, sinigang na baboy at ang adobong baboy eh tsaka nman merong mga bagay bagay akong naiisip na pedng isulat d2 sa blog kong ito….pero kapag nasa harapan na ako ng pyuter ko para nmang pang asar na tae na bigla nlang mawawala na parang bula na ang ginamit na pangbula eh dinikdik na dahon at bulaklak ng gumamela na ang ginamit na panglobo eh ang tangkay ng dahon ng papaya.

sa totoo lng hindi ako magaling  mgsulat ni kahit nung ng aaral pa ako eh hindi ako sumasali sa journalism chuchu ever eklavu na yan sa skul nmen at kahit sa literal na pangsusulat eh pangeet talaga handwriting ko sabi nga ni nanay parang kinahig daw ng manok…peyborite ko kc chicken eh!

oo aaminin ko madaldal ako pero hindi ako magaling mgkwento lalo na kapag pinasulat mo na sken…ewan ko ba hindi ko rin alam kung bakit eh… oh alam ko na sasabihin mo, eh bakit ko naisip isipang gumawa ng blog kung ganun nman pala?.. ang sagot ko jan wala lng gusto ko lng makiuso bakit ba?..hehehe! (insert si konsyensya) “hoy ikay aminin mo inggetera ka! inggetera ka!”… slight lang nman noh!…o sya cge na nga aaminin ko na, oo nakainggitan ko lng yung mga hauz ng mga blogger na napagpapasyalan ko at napagbabasahan ko ng mgakung ano anong  kwento ng buhay nila, na madalas eh ngpapakiliti ng tinggil  at ngpapasaya ng bawat araw ko.

at ang pinakamaganda sa lahat eh nakakapulutan mo ng aral at nakakapagbigay inpirasyon para gawin mong tama ang bawat bagay na nangyayari sa buhay mo….at may bonus pang kasama kasi ngkakaroron ka ng mga bagong kakilala at mga bagong kaibigan kahit na hindi ninyo kilala ng personal ang isa’t isa, bongga di ba!?

isa rin ako sa mga masusugid na blog hopper sa mundo ng blogosphere, paminsan minsang ng iiwan ng komento sa bawat bahay na nadadaanan ko at inaabangan ang bawat isasagot ng author sa aking komento kung ikinatuwa nya ba o ikinainisan ang komento ko.

at ng minsang meron akong nadaanan na isang banal na tahanan na napag iwanan ko ng bakas dahil sa kakaibang istilo nya ng pagsusulat ay aking ikinagulat at ikinaumapawan ng kasiyahan ng pagkaabalahan nyang itanong kay google kung meron daw ba itong kilalang babae na nagngangalang “akosiikay”? dahil sa hindi daw ako ng iwan ng address dun sa bahay kya naisipan nya na lang na mgtanong kay google…kaya nman nung ituro ni google yung bahay ko eh talaga nmang nag iwan pa sya ng kanyang footprint d2 sa aking bahay(hindi kasi ngpunas ng paa sa doormat bago pumasok) hehehe para itanong kung hindi nga ba sya nagkamali ng bahay na pinuntahan…at mabuti na lng eh tama si google sa pagturo ng bahay ko kc kung hindi eh baka makasuhan pa sya ng trespassing…toinks!

kaya nman syo REVSIOPAO isang bonggang bonggang pasasalamat mula sa kaibuturan ng aking atay, balunbalunan, apdo,baga, puso at ngbigay ka sa akin ng isang inspirasyon para pagsikapang maging makabuluhan ang tahanan kong ito…tenchu sooo much rev! 

Comments
  1. revsiopao says:

    base muna baka maunahan ng iba! he he.

  2. revsiopao says:

    wow naman ikay super nahipuan {na-touched} mo naman ako. pwamis… tumulo ng dalawang drops ang luha ko sa kaliwang mata {oo sa left lang}.

    seriously, ako nga ang dapat magpasalamat sa ‘yo. kasi, kung hindi ka naligaw sa aking siopawan, e ‘di wala akong ni-research kay gugol… at hindi tayo naging pwends.

    kaya dahil diyan… tagay na!
    {madami na kasing pulutan sa taas — puro baboy. tsalap!}

    basta enjoy mo lang ang blogging.
    at sana sa pag-gala-gala mo so blogosperyo ay mas lalo ka pang ma-inspire na magsulat.

    stay happy and blessed!

    • akosiikay says:

      @revsiopao luha nga ba o laway dahil sa porky!?joke

      pero shiryusli rev. sobrang ten chu talaga…isa ka na sa mga Mc Do branches ko “Love ko toh!” nyek korni!

  3. ELIment says:

    ikay, pa-add naman sa links mo. hehe. tnx

  4. charlie says:

    ikay!!

    hello!!

    pwede ba tayo exchange links.. dito sa blog namin na ito??

    http://www.igisamo.com

    pwede po ba..

    kung ako sa iyo.. yung pagiging madaldal mo e gamitin mo sa pagsusulat..

    kung wit ka miasulat, keber…. haha!! echos!!

    • IKAY says:

      @charlie ex- link? shure! manure!!
      at natalagang natawa nman ako sa
      keber! at echos! mo…ha ha ha!

      salamat sa pgbisita.
      balik-balik lng po ha!

  5. kengkay says:

    hay kakapagod hanapin ng links mo, pahinga muna ako at magmamasid masid😀

    • IKAY says:

      @kengkay mami kengs sa wakas nkarating ka rin sa aking tahanang wlang hagdanan..hehehe!
      tenchu sa pagdalaw!

      muawhugsss!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s