“In LOVE never put yourself in a situation if your not sure where you stand in a person’s life. Never assume, never expect so that if the person choose to drop you, You have enough strength to move on”.
Connect s title?hindi ako sure kung may koneksyon, pero para na kasi syang rhym na paulit-ulit sa isip ko. I was in college when someone texted me that quotes and talagang tumatak sa isip ko to, na to the extend na parang naging pamantayan ko na kapag usapang pag-ibig na.
Minsan kasi kahit na sabihin mong nasa isang relasyon na kyo ng jowa mo at may unawaan na kayo dumarating parin yung time na hindi ka pa din sure kung ano stand mo, walang assurance or kasiguraduhan kung hanggang saan ka dapat lulugar sa buhay nya.
Pero siguro kahit na makailang beses mo pang paalalahanan ang sarili mo at dahil alam mong minsan sa buhay mo eh nasaktan ka na, pero kapag tinamaan ka yun lang ang hirap ng kumawala. Sabi nga mahirap talagang kontrolin ang emosyon. Nakakabuang noh?nakakasira ng ulo…minsan masaya ka tapos bigla eto ka naman iiyak-iyak na ang siste pa minsan praning ka pa o diba parang adik lang.
Eh ano nga bang point ko dito? ewan ko din eh, basta naisipan ko lang na dito na lang maglabas ng saloobin  or siguro para paalalahanan ang sarili ko na heto na naman ako sa sitwasyong hindi na naman sigurado kung hanggang saan lulugar. Sa totoo lang natatakot ako, natatakot ako na baka sa huli ako na naman ang talo sa larong ito.
So para ikonek lang yung title sa pinagsasabi ko dito, eh kung pede sana paki sagot na lang.
Thanks! ^__^                   
                                                                

Update!

Posted: December 27, 2010 in Uncategorized
Tags: ,

Napakaraming beses ko ng tinangkang mag-update, pero sa tuwing sinusubukan kong magsulat eh bigla na lang akong nababablanko at nawawalan ng maisusulat…gustohin ko mang magkwento eh mas pipiliin ko na lang ang hindi…dahil ayoko namang mapuno na lang itong blog na ito ng sadness and pain…but I’m grateful that despite of those, I’m still here getting stronger.
kaya dun sa mga naliligaw at sumisilip pa rin dito na nais makibalita kung ano na ang nangyayari sa akin eh eto pa rin nman ako’t buhay pa ^__^ at nakiki-update pa rin naman sa mga blog nyo, ako nga lang itong hindi nag-a update ng sariling blog…hehehe!
hope makapag-update na din ako ng madalas…Happy New Year!

Ooops teka lang!

Posted: August 10, 2010 in mga ka ikayan, Uncategorized

Matapos ang matagal-tagal at malimit na pagadalaw ko dito sa aking blog… eh heto ako ngayon muling nagpaparamdam.

Pasensya na tinamad lang po.

There are times that we never want to let go of the  person we never want to leave us behind.. But letting  go,  doesn’t mean that we giving up the person. But rather it is a way of accepting that sometimes there are things that we cannot control most specially  if GOD want us to let it go.

“Manang we all know that you truly love Kuya, But maybe GOD want him now to be His side. Let Kuya be with Father GOD, I know it’s definitely hard for you to accept that Kuya is already left  us, But we have to accept that only GOD knows why this painful things happen to us. 

And to Kuya,  Be our angel  most specially to Manang take care of her even though you are now in the kingdom of GOD, Be her guide always. Cause I know deep inside of her heart you are always remain, as well as ours…We will going to miss you Kuya very much.” :(  and may you find your peace with God that now you are with him.  R.I.P

FedEx

Posted: April 12, 2010 in mga ka ikayan

Hindi ko alam kung papano at kung kelan nangyari to…Basta isang araw na lang pag kagising ko at sa muling pagkakita ko sayo, may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo, At mas ginugusto ko ang laging titigan ka.

Parang tanga lang na bumalik yung pakiramdam na para kang teenager na kinikilig sa tuwing nakikita mo yung isang tao na kung tutuusin eh hindi na man kayo magkakilala ng personal. Na madalas eh tinatanaw mo lang sya at ng iilusyon  na sana ikaw nga yung nginingitian nya, na sa bawat titig ng kanyang mga mata eh pakiramdam mo sinasabi nya sayo na ” I’m Yours Darling”…bwehehehe!

Alam kong para lang akong  ilusyunada ng iilusyon  na mapansin mo, dahil alam ko rin nman sa sarili ko na hindi mo talaga ako mapapansin. Pero choks lang yun, at least kahit papano may saya akong nararamdaman sa tuwing nakikita kita. At kahit na hindi man tayo mgkakilala ng personal gusto ko parin na ma greet ka kahit sa ganitong simpleng paraan lang dahil alam ko rin nman na sobrang excited ka na para sa araw na yun. Alam ko kung gaano mo kamahal ang pamilya mo kahit na hindi nga tayo ngkakapag usap. Alam ko rin kung gaano ka kabuti sa mga kaibigan mo, kung gaano mo pa rin sila kamahal  kahit na yung iba eh nasa malayong lugar na rin. (oist hindi po ako istoker ha!)hehehe.

Advance Happy Birthday!!! Wish you good health and happiness in life… always keep that smile ^__^

Nandito pa AKO!

Posted: March 29, 2010 in emo mode, Uncategorized

Paano nga ba ang maging isang mabuting anak???

Sa isang magulang  maituturing mo itong isang mabuting magulang kung naibibigay nya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak, napalaki nya ito ng may respeto sa kapwa, may takot sa DIYOS at napabuti ang buhay nito dahil naipagpatapos nya ito ng pag-aaral.

Ngunit sa isang anak? Papano nga ba maituturing na ikaw ay isang mabuting anak sa iyong magulang…sa iyong pamilya?

Tama lang ba yung maging masunurin ka sa bawat pangaral sayo ng magulang mo na sa tuwing may pagkakamali ka at napapagalitan ka ay hindi ka sumasagot nang pabalang at nang pasigaw, ay maari ka na bang ituring na isang mabuting anak? — tsk tsk tsk napakasama ko pa lang anak dahil noon hindi ako ganun.😦

Bata pa lang ako noon sanay na ako sa hirap ng buhay, dahil ang pamilya ko ay wala namang yaman para makaranas kami ng kasaganahan sa buhay. Anak ng isang mangingisda ang aking INA at isa namang anak  ng magsasaka sa isang liblib na baryo sa pangasinan ang aking AMA. Parehong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya hindi naging ganun kadali ang pagtaguyod ng mga magulang ko sa aming pamilya. Namatay ang unang Kuya ko dahil sa kakapusan ng pera pampa ospital, sanggol pa lang sya nun, at nagawang magkunwaring buhay ang batang kargakarga ng aking ina para itakas ang bangkay nito dahil sa walang pambayad sa ospital.Isang napakalaking dagok yun para sa kanila. Kaya nagawa ng tatay ko na magsakripisyo at magtiis na mapalayo sa amin para magtrabaho sa ibang bansa.Ngunit sadyang hindi ganun kadali ang buhay, ngkasakit ang tatay ko sa puso kaya hindi na sya ulit nakabalik ng Saudi.Pagtitinda sa palengke ang naging hanapbuhay ng mga magulang ko noon, pero hindi rin nagtagal yun dahil wala nmang permanente sa palengke, maliban na lang kung meron kang sariling pwesto na inuupahan. Pero ang nanay ko hindi nawawalan ng pag-asa, at sadyang masipag. Pagtitinda ng lutong pagkain ang ginawang hanapbuhay ng nanay ko. Nasa elementarya pa lang ako noon kaya tanging taga hugas ng plato ang kaya kong itulong sa kanila. At hindi ko naranasan masyado ang buhay ng isang tipikal na bata, ang makipaglaro ng hangga’t gusto, dahil baka mapalo ka kapag naiwan mong nagtambakan na ang platong hugasan mo. Hanggang sa pagdating ko ng highschool, Gigising ng alas singko y medya ng umaga para tumulong sa pag-aayos ng tindahan, mgbabantay ng hanggang alas syete bago pumasok sa iskwela. Hindi pwedeng sumali sa ano mang  school or out of class activities dahil matatagalan ang oras ko na magstay sa iskwelahan at walang makakasama ang nanay ko sa pamamalengke. Sa kolehiyo ganun pa rin ang takbo ng buhay ko. Hindi pupwedeng kumuha ng pang umagang klase dahil sa umaga ang bukas ng kantina. Kaya siguro noon hindi ko maialis sa sarili ko ang inggit sa mga kaklase ko, Kaya nagagawa ko minsan ang tumakas, ang maging pasaway paminsan minsan, ang masigawan at sumagot ng pasigaw din kapag napapagalitan.Dahil ang pakiramdam ko nakatali na kaagad ako sa responsibilidad sa pamilya. Minsan sa isang pagtatalo nmen ng tatay ko may isang sinabi sya sa akin na talagang tumatak sa isip ko. ” Ganyan ka pa lang, pero kung makatrato ka na sa amen wla ka ng respeto, papano pa kaya kung ikaw na ang ngpapalamon sa amen?? baka sipasipain mo na lang kami!”.  hindi ko alam kung ano ang isasagot ko noon kaya tumahimik na lang ako. Pero hindi nawala sa isip ko ang mga salitang yun.

Nakatapos ako ng pag-aaral at nagsikap na makapagtrabaho abroad, kahit na hindi sanay na mapalayo sa pamilya. Sinikap na matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya, Tumutulong sa pagpapaaral sa nakababatang kapatid, katuwang sa lahat ng problema ng pamilya, Nagtitiis para maibigay ang bawat gustuhin nila, dahil natatakot na baka makaramdam sila ng disappointment dahil hindi mo naibigay ang hinihingi nila,  dahil ang tanging gusto mo lang naman ay ang maging masaya sila.

Pero hindi ako si Darna, Tao lang din ako na nakakaramdam ng pagod, panghihina at kawalan ng pag-asa paminsan minsan. Na gustong sumigaw ng  ” Tympers!!”. pero hindi eh kasi sa laro ng buhay walang tympers.

At sa tuwing naiisip ko yung hirap at sakripisyong nagawa ng mga magulang ko para sa aming mga anak nila, parang nagiging isang masakit na sampal sa akin ang mga bagay na yun. Kaya wala akong karapatang magreklamo dahil kung tutuusin hindi pa sapat ang mga naibigay ko kumpara sa mga ginawang sakripisyo ng magulang ko para sa amin. Nakakalungkot lang isipin na minsan sumasagi sa isip ko na sana eh hindi ko na lang ginusto ang maging isang mabuting anak, dahil napakahirap pa lang maging isang ganun. Pero syempre ang pagmamahal pa rin sa pamilya ang laging namumutawi sa akin kaya kahit na anong hirap kinakaya.

Hindi ko maituturing na isa akong mabuting anak dahil hindi naman talaga. kasi hindi ako perpekto, may mga pagkukulang pa rin ako bilang isang anak sa mga magulang at sa pamilya ko. Pero ang alam ko lang mahal ko ang pamilya ko kaya emotera ako ngayon..hahaha! ang haba na ata nitong pagbabalik ko ah!?nakakalurkey sa haba..haist mabuti na lang at meron pa pala akong blog at dahil dito medyo nabawasan  na ang pag eemot ko. chao!

Ay Sasapit!

Posted: December 22, 2009 in emo mode, OFW
Tags: , ,

♫  Pasko na naman ngunit wala ka pa, hanggang kaylan kaya ako maghihintay sa iyo….. ♫♪

Asus ayan felinggera na naman si ako, As if naman kasi na makakaralate ako sa kantang yan eh wala namang nghihintay saken… tsee!😛

Pang anim na Pasko ko na, na d2 sa ibang bansa isinecelebrate ang birthday ni “BRO”…na well in fact hindi nman ganun ka bongga ang celebration na kagaya sa pinas, lalo na d2 sa bansa ng mga kamelyo  Arabo.

Ilang araw na lang malapit na ang pinakahihintay ng mga tao sa Pinas “holidays”…Walang trabaho meaning pahinga…at syempre ang pinakamasaya dun eh kasama mo ang buong pamilya mo to spend that holidays.

Ako sa totoo lang nakakaramdam ako ng pagkalungkot sa tuwing nakakapanood ako sa TFC ng mga shows na about celebrating christmas sa pinas at minsan bigla nalang naiiyak kapag nakakapakinig ng mga christmas songs…Ganun siguro talaga kapag nasa malayo ka sa pamilya mo nagiging sintemental ka, lalo na kapag sa mga ganitong okasyon. Sabi nga habang tumatagal nakakasanayan na lang din daw pero parang sa akin hindi epektib yun eh, kasi hanggang ngayon parang pakiramdam ko eh first time kong mgpasko na malayo sa pamilya ko kya e2 feeling alone..Pero siguro nga lilipas din to baka malamang next year back to normal na naman..parang isang ordinaryong araw lang ang dumaan. :))

Merry Christmas and Advance Happy new Year to everyone!🙂