Period (.) Tuldok!

Isang napalaking pasensya nman sa aking mga mambabasa (oo MGA dahil hindi na lang ikaw at ako ang ngbabasa d2 mga 3 na tyo..nyahahaha). dahil sa napatagal na nman ang aking pagtulog at nawala na naman sa isip ko na matagaltagal na nman pla akong hindi nakakapag update nitong aking blog.

May isang nilalang lang kc na nakapagpapukaw na naman sa aking kamalayan nitong ngdaang mga araw.

Sa isang pag-uusap sa YM habang ako eh ngpapatay ng oras d2 sa opisina at nghihintay na lang ng oras para umuwi…

(hindi ganito kaeksakto yung pag-uusap nmen, pero parang ganito na rin yun…nyaa! ang gulo mo!)…

B.F (Blog Friend) : meron nga pala akong post about sa inyong mga blog girl friends ko.

Ako :  ay cge daan na lng po ako dun pag may time.. ^_^

B.F : cge asahan ko yan ha!

Ako : oo nman po

Ako : buti ka pa laging may bagong post, eh  ako wlang matinong maipost kc puro umpisa lng.

B.F : eh di tapusin mo.

Ako : eh papano ko nga po tatapusin eh hindi ko nga alam kung papano tatapusin…hehehe

B.F. : eh di lagyan mo ng period.

Ako : hehehe…hmmm! oo nga nman.

Hindi pa duon natapos ang pag-uusap na yun…Pero sa napaka simpleng sagot na yun sa akin ni Kuya, may mga bagay na biglang ngparealize sa akin…at biglang ngbalik ang mga alala (naks parang MMK).

Naisip ko lng na maaring baka ang dahilan mo na kaya mo ipinalit sa pangalan ko eh ang period sign sa phonebook mo eh dahil sa ibig sabihin nito eh para syo tapos na ang lahat ng tungkol sa akin…Na ang ibig sabihin nun eh wla na, tapos na, wala ng kasunod pa…Na hindi mo gugustuhin pang dugtungan pa ang mga bagay na nangyari sa aten..Na hanggang dun na lang at wala na…wala nang dapat asahan pa.

Masakit kung iisipin pero yun ang katotohanan nun…Aaminin ko minsan may mga pagkakataon parin na nasasaktan ako lalo na sa tuwing nakikita ko yung mga pictures mo sa FS na kargakarga mo yung baby mo…Pero sa isang banda, natutuwa na rin ako pra syo kc nakikita ko na masaya ka dahil natupad na yung isa sa mga gusto mo ang maging daddy pero hindi nga lang ako ang mommy..huhuhu! :(

Siguro nga gusto na rin talaga ni LORD na makapag-isip-isip ako at gawin na ang tama at dapat para sa sarili ko..Dapat ko na rin sigurong lagyan ng TULDOK ang mga bagay bagay na nag-uugnay ng tungkol sa iyo at itago sa baul ang mga memorabilyang iniwan mo..at gawin itong kahulihulihang pagpatak ng luha ko para syo.

Dahil kinakailangan ko na ring simulan ang bagong yugto ng buhay ko na hindi na ikaw ang nasa isip ko…At hayaang maging masaya at bigyan ng pagkakataong mahalin at magmahal muli.

At ngayon hindi man ako sigurado pero handa akong sumugal ulit at humihiling sa DIYOS na sana sa pagkakataong ito eh sya na nga yung matagal ko ng hinihintay….asus lumalandi na naman..nyahaha.

Kaya friend LORD, please give me a sign!! please!

sana lng wag na period sign. 

 

 

ikay

IKAY

28 comments June 28, 2009

Blissful Bobby-Soxer…Let Her Cry.

****Ooopps commercial muna:
Malapit na  pala yung pa berdey contest ni bunso (joycee) sa saturday na raw ang deadline kya sa gusto pang sumali click here… tapos kung sa tingin mo nman eh kaakit- akit sya sali ka dito tapos sama mo sya sa listahan ng utang mo..lolz…tapos kung talaga nmang naakit ka sa kanya eh subukan mo na ring tulungan syang manalo sa pacontest ng aking kambal sa umang si KIKAYNESS, just leave a sensible comment daw dito .
Eto pa since malapit nrin  ang Pibetdey ng aking MAHAL eh kung ngkukuripot ka na kagaya ko  at medyo hindi mo nman sya kayang bigyan ng diamond ring eh pede na rin nman na mg send ka nlng sa kanya ng isang mala Katrina at Hayden Kho na video…lolz..joke!…pechures na lang daw na may Pibetdey greetings na naka two piece…hihihi! email nyo lng sya d2 magdalaena@yahoo.com.phbilis now na kc sa friday na ang handaan.

 

*******

hmmm…Actually wala kasi akong maisip na pang update, and since birtday nman nilang dalawa at mahal ko na rin nman sila eh naisip kong bigyan nlang sila ng makapagbagbag damdaming post(o di ba nakakabulol sya) ulitin mo nga ulit makapagbagbag..hehehe!
si joycee at heleyna eh una kong nakita to sa siopawan ni revsiopao, pero una kong dinalaw yung blog ni joycee…matagal tagal din nman akong pabalik balik sa blog nya bago ako ngkalakas ng loob na mg iwan ng comment dun, tapos nung ngreply sya sobrang friendly ng approach nya nagulat pa nga ako kc ang bilis ng reply parang YM lng…hehehe… i can’t remember kung ng ask sya sken ng link ko, tapos nung hindi sya makapagcomment kaagad d2 sa blog ko kc nkablocked daw yung mga hindi wordpres,tinuruan nya akong tanggalin yun, eh ano nman malay ko dun, tsaka ayaw nya na daw iopen ulit yung wordpress account nya…hindi ko na sya tinanong kung bakit pa dahil malamang eh may hindi na kanais nais pang dapat balikan duon… ngpalitan ng YM…FS..FB..PLURK acccount at link pero sa totoo lng hindi kami gnun ka close though siguro maituturing na rin na magkaibigan kmi…what i really like to her eh i find her very sweet to everyone na kakilala nya…mabuting kaibigan…a good listener…napaka friendly…and i think mabuti rin syang anak at kapatid sa mga kapatid  nya…and most of all she is a good disciple of GOD, na kahit busy at pagod na sa trabaho eh talagang may oras sya pra mgshare at mgturo sa mga bata to serve GOD…masayahing tao pero syempre minsan may pagka emotera rin.
 
Si heleyna nakuh first impression ko d2 supladita, doctora kc eh…hehehe…pero hindi rin nman, ewan ko nga ba kung papano kmi ng umpisang magmahalan nitong babaeng toh! hindi ko na rin matandaan…kagaya rin ni joycee, hindi rin kmi sobrang close na katulad ng closenest nilang dalawa…si heleyna ang tingin ko sa babaeng ito eh iyakin pero fighter…nabasa ko lng sa blog ni kuya buyoy nung minsang naging guest blogger sya, yung isa sa mga sad story ng buhay niya…hindi ko nagawang mgcomment duon kc  sobrang nadala ako ng emosyon ko eh nakalimutan ko ng mgcomment…(kumusta nman yun di ba?)
saludo ako sa ginawa nyang yun, dahil ang lakas ng loob nya na ishare sa buong mundo ng blogosperyo ang pangyayaring yun sa buhay nya… 
pero ang mas higit na kahangahanga sa kanya eh nagawa nyang maging maayos ang buhay nya pati ng mga kapatid nya kahit na sila sila lng ang mgkakasama sa araw- araw ng buhay nila although nanjan ang papa nila kaya lang nsa malayo ito ngtatrabaho…
sya ang tumayong nanay sa mga kapatid nya at sa sarili nya…natotong maging responsable para sa mga kapatid…
Nagmahal ng minsan ngunit nasaktan… pero kahit gnun naging matatag pa rin sya sa bawat hamon ng buhay.
hindi ko man sila kilala ng personal dahil hindi pa nman kmi ngkikita… (sayang hindi ako makakasama sa EB nila sa JUNE 12) pero sa araw- araw na nkakausap ko sila sa FB at pagdalaw ko sa mga blog nila nararamdaman ko na kung ano yung mga nasabi ko eh gnun sila talaga..
at bilib ako sa pagmamahalan nilang dalawa bilang mgkaibigan.
kaya  para kay bunso at mahal, sobrang happy ako na nakilala ko kyo and i hope and i pray (both of you) for your happiness.

HAPPY BIRTHDAY JOYCEE & HELEYNA!!! 

ikay 
ikay

28 comments June 10, 2009

it’s better L8 than never…

hmmm…yan ang madalas na ikatwiran ng mga taong laging late…at ito pa ang mas matinding banat ng mga yan “huli man daw at magaling  eh HULI naihahabol pa din”.

oo cge na nga aaminin ko na, isa rin ako sa mga taong ngsasabi nyan pero di ba mabuting huli kesa nman sa wala…hehehe!

ito kasing si kuya  BLU  at ang aking MAHAL  halos mgkasabay ba naman akong ni taggah  at kaya naman bago pa abutin ito ng 48 years eh gagawin ko nah.

eh ang rules magsulat daw ng 8 bagay na naayon sa bawat kategorya nito…

8 Things I’m looking forward…

1. 2010- dahil gusto ko na ulit magbakasyon sa pilipins.

2. nyt swimming sa beach- kahit hindi ako marunong lumangoy eh gusto ko prin mgtampisaw sa beach ngayong summer.

3. binyag- hindi po ako ang mgpapabinyag, mgni ninang po ako sa binyag ng baby ng isang friend ko d2.

4. move forward- almost 2 years na rin naman yun and mukang happy ka naman na so cguro dapat ko na talagang itigil ang kahibangan kong ito.

5. date- kaya naman tatanggapin ko na yung matagal ng kinukulit saken na date daw nung pinsan ko.. (o di ba ngmamaganda pa lola mo).

6. jowa- parang bading lang..hehe!

7. blackberry phone- hang kyut nya pramiz.

8. diet- dahil nung umuwi ako ng pinas eh wala akong ginawa kundi kumain kaya kailangan ko na talagang gawin to..huhuhu!

8 things I did yesterday…

1. nagising ng 7:30 am khit off ko para mg online kc may usapan kmi ng aking si old friend na nasa pilipins na mgchat…ayun natapos ang break nya ng hindi man lng kmi ngkausap.

2. 11:30 am na ayun sa wakas ngkausap din kmi.

old friend : hi !

ako : hi ka jan.

old friend : wala ka kanina?

ako : anong ako?..ikaw kya ang wala jan.

old friend : i didnt see you.

ako :  eh papano mo ako makikita eh, nung nka online ka na eh parang sumilip ka lng kc bgla ka rin ng offline.

old friend : eh kc nga hindi nman kita nkitang naka online.

ako : eh kc nga alam mo nman na lagi akong naka invi mode di ba.

old friend : hindi ko alam.

ako : ok fine.

3. sa gnun lng natapos ang usapang yun..sa sobrang tagal kong nghintay..huh!

4. kaya natulog na lng ulit ako.

5. pagkagising kumain ng late lunch.

6. nghugas ng pinangkainan.

7. naligo at nanood ng TV.

8. natulog.

8 things I wish I could do…

1. kumain ng lechon baboy habang nandito sa kuwait.

2. magplay ng guitar.

3. mag KAYAK.

4. magswimming.

5. mag mountain climbing.

6. sumakay ng roller coaster.

7. diving.

8. maggala sa europe.

8 shows I watch…

at dahil sa ako’y isang TFC subscriber eh di syempre puro kapamilya show ang aking napapanood.

1. TV patrol.

2. wowowee.

3. kambal sa uma.

4. only you.

5. going bulilit.

6. santino ( may bukas pa)

7. tayong dalawa.

8. nanood nga rin pla ako ng oprah sa youtube nung guest si charice.

*o ayan natapos din…oo alam ko may kulang pa.. pero tinatapos ko na sya kc muka nmang halos lahat na ng blogger eh ni tag na nito..pero kung ikaw sa tingin mo eh hindi mo pa nagagawa ito eh walang pipigil syo na gawin mo ito pramiz wla talaga.

salamat nga pala kay kuya blu sa award na ito grabe sobrang tats ako.

friendship award

 

 ikay 

CIAO!!

18 comments May 23, 2009

happy Nanay’S daY!

mom

 

And to all the mother’s… HAPPY NANAY’s DAY!!

23 comments May 9, 2009

haayz!

 mga ilang linggo rin pla akong nanahimik anoh!?…natapos na ang 26 na maliligayang araw ko sa piling ng aking pamilya at mga kaibigan…kaya e2 balik trabaho n nman..magdadalawang linggo n rin nman akong nakabalik d2 sa KUWAIT  pero ewan ko ba parang ang sad parin ng pakiramdam ko…kung gaano ako sobrang happy nung pauwi ako ng pinas ganun nman ako ka sobrang iyak nung pabalik na ako d2…nung nsa NAIA ako pagkatapos kong mg check in ng luggage ko hindi ko na ninais na lumabas pa khit may time p para mgpaalam sa nanay at tatay ko nitxt ko nlng cla pra sabihin na hindi na ako lalabas ingat nlng cla pag uwi nila sa bahay…pero itong nanay ko eh tinawagan pa ako kya ayun mega cry ang lola mo….joshko! feeling ko nman eh first time ko….hehehe! pero may isang girl na mega ask sken kung first time ko ngang umalis sabi ko hindi po, pero kc nman sobrang sad nman talaga kc ko nun dahil miss ko na kaagad nanay at tatay ko.

well actually hindi nman talaga ako nawala eh nglilibot-libot din ako sa mga bahay nyo yun nga lng eh hindi ko na nagagawang mg-iwan ng bakas dahil wala lng, parang feeling ko kc wla akong masasabing matino para kcng ayaw gumana ng utak ko (as if nman na meron ako nun) ang laging naiisip ko lng eh sana 2010 na kc gusto ko na ulit mgbakasyon…hehehe!

P.S.

super tenchu  nga pala kuya blu dun sa award and tag na binigay mo sobrang nahipuan na touch  mo ako dun…hehehe…pero i cant promise pa kung kelan ko magagawa yung tag pero pag may time na ako gagawin ko po yun…tapos yung logo hindi ko po kc alam kung papano sya ilagay sa sidebar eh..(ay engot ko talaga).

haayz miss ko toh ah!  

hi_15 ciao!

17 comments May 5, 2009

Next Posts Previous Posts


 

January 2010
M T W T F S S
« Dec    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Recent Comments

blurosebluguy on Ay Sasapit!
joycee on Ay Sasapit!
p0kw4ng on Ay Sasapit!
Reesie on Narinig mo na ba ang late…
blurosebluguy on Narinig mo na ba ang late…

Blogroll

The Legend

Archives

Meta

Categories

Recent Posts

Blog Stats

Authors

Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Top Clicks

Category Cloud

emo mode kAtakaWaN kwentong pamilya mga ka ikayan OFW Uncategorized

Spam Blocked

Tags

family felinggera la lang OFW...homesick.. pasko tagatag tanong lang una virgin