Ang paBURRITO ala IKAY Style.

Last Thursday dahil sa tambay lng ako sa bahay kc wala akong pasok at wala akong ibang magawa maliban sa manood ng TV…mag internet at matulog eh wala ka plang ibang mararamdaman kundi ang magutom…Kaya nman  naisipan kong mg eksperimento ng lulutuin…

Maliban sa Spagetti, Lasagna, Pizza and Tacos…Isa sa mga hilig ko ring kainin na Mexican food eh Burrito.

 Napakadali lang itong iprepare…

Ito lang ang mga kakailanganin mo:

 bell                           onion2

          bellpepper                                                Onion                           

tomato                                     Burito 003

        Tomato                                                           Minced chicken

cheessy!                                        mix

           Cheddar cheese                                              Burrito seasoning 

tortillas

     at syempre Tortillas

Akshulli may tatlong parte ng pagluluto itech… Yung mexican rice, yung meat tsaka yung tomato salsa…pero sa kadahilanang hindi ko masaydong feel ang mg rice hindi ko na ginawa yung mexican rice.

So deretso na tayo sa paggawa ng tomato salsa:  Sa isang pan na may oil isuate ang onions, green and red bellpepper and tomatoes.  lagyan ng burrito seasoning na tinunaw sa 1/2 cup of water.. Simmer until soft. set aside.

The Meat:  Icolor brown lng ang minced chicken sa isang pan then lagyan ng buritto seasoning na tinunaw sa 1/2 cup of water, season w/black  pepper. make the water absorb.then set aside.

Initin ang Tortillas sa microwave ng mga 10 seconds lang or kung walang microwave sa isang flat pan pwede rin.

charaaann!!!

Ayan na…Sa pagbalot basta pagpatungpatungin lang nman sa tortillas yung meat, tomato salsa, shredded letuce, grated cheese and sour cream at itiklop na parang nagbabalot ng fresh lumpia and….

 

 

 tsaraaaann!!! O ha may Burrito ka na. ^_^

Burito 012

 

IKAY

ikay

35 comments July 26, 2009

Romancing Ikay

Ayaw aminin ng mahal kong si Ikay na wala syang ma-ipost dahil naadik sya sa facebook.  Idinadihilan nya lang na kelangang may ipang regalo ako kaya kailangan kong gumawa ng post para sa kanyang blog. At dahil hindi ko sya pwedeng hindian dahil natutunaw ako tuwing tumititig ako sa kanyang mga mata ganun ko sya kamahal.  Pero dahil ayoko na ring gumawa ng post tungkol sa aking buhay,  at walang ka kwenta-kwentang lablayp. Minabuti ko na lang na gumawa ng isang one-on-one interview dahil marami akong gustong malaman sa ating birthday girl at aminin nyo na…kayo din!

No holds barred.  Sagutin lang ng deretso ang mga katanungan sa ibaba. Ready ka na ba mahal? (more…)

36 comments July 8, 2009

Wenesday is my DAY!

Wednesday July 8 hmmm…isa ito sa mga masasayang araw ng buhay ko at ipagpapasalamat mo bakit? kc nman ito ang araw na isinilang ako sa mapaglarong Earth nato….yes! u read it right hapibetdey ko na at isa pang yes! isa nga po akong cancer,  na parang sakit lng na kapag nadapuan ka eh mahihirapan ka ng tanggalin sa katauhan mo…pero teka muna hindi nman ako yung bad side ng sakit na cancer noh eh infairness nman mabait nman ako…(oh wak ka ng umangal walang pulis d2 at tsaka blog ko to noh!)nyahaha…

Huwell wala akong mahabang listahan ng birthday wish, actually nga nyan eh hindi ako talaga gumagawa nito…kc hindi ko rin naman  naiisip na gumawa cguro hindi ko lng sya trip talaga…hehehe!

Pero ngayon kung pagagawin ako ng birthday wish list…cguro may dalawang bagay lang akong hihilingin…

1. Good health pra sa parents ko, lalong – lalo na sa daddy ko na may sakit sa puso… sana laging silang OK.

2.  At ang magkaroon ng sariling pamilya.

Yun lang nman talaga ang mga  pinakahihiling ko kay GOD eh…At sana wag syang magsawa sa pakikinig sken sa tuwing kausap ko sya sa gabi bago ako matulog.

 

“And I’m very thankful to you oh LORD for giving me all of this blessings”…

1. My family.

2. My work.

3. My friends…at syempre ang mga new friends ko d2 sa blogosphere.

4. And ofcourse Lord thank you for healing my aching heart…Hindi pa man po cguro gnun ka ganap pero alam ko po na darating yung time na  maghihilom din ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sobrang thank you po talaga….Salamat sa pagmamahal.

 

Ciao!

 

 

ikay

IKAY

15 comments July 5, 2009

Period (.) Tuldok!

Isang napalaking pasensya nman sa aking mga mambabasa (oo MGA dahil hindi na lang ikaw at ako ang ngbabasa d2 mga 3 na tyo..nyahahaha). dahil sa napatagal na nman ang aking pagtulog at nawala na naman sa isip ko na matagaltagal na nman pla akong hindi nakakapag update nitong aking blog.

May isang nilalang lang kc na nakapagpapukaw na naman sa aking kamalayan nitong ngdaang mga araw.

Sa isang pag-uusap sa YM habang ako eh ngpapatay ng oras d2 sa opisina at nghihintay na lang ng oras para umuwi…

(hindi ganito kaeksakto yung pag-uusap nmen, pero parang ganito na rin yun…nyaa! ang gulo mo!)…

B.F (Blog Friend) : meron nga pala akong post about sa inyong mga blog girl friends ko.

Ako :  ay cge daan na lng po ako dun pag may time.. ^_^

B.F : cge asahan ko yan ha!

Ako : oo nman po

Ako : buti ka pa laging may bagong post, eh  ako wlang matinong maipost kc puro umpisa lng.

B.F : eh di tapusin mo.

Ako : eh papano ko nga po tatapusin eh hindi ko nga alam kung papano tatapusin…hehehe

B.F. : eh di lagyan mo ng period.

Ako : hehehe…hmmm! oo nga nman.

Hindi pa duon natapos ang pag-uusap na yun…Pero sa napaka simpleng sagot na yun sa akin ni Kuya, may mga bagay na biglang ngparealize sa akin…at biglang ngbalik ang mga alala (naks parang MMK).

Naisip ko lng na maaring baka ang dahilan mo na kaya mo ipinalit sa pangalan ko eh ang period sign sa phonebook mo eh dahil sa ibig sabihin nito eh para syo tapos na ang lahat ng tungkol sa akin…Na ang ibig sabihin nun eh wla na, tapos na, wala ng kasunod pa…Na hindi mo gugustuhin pang dugtungan pa ang mga bagay na nangyari sa aten..Na hanggang dun na lang at wala na…wala nang dapat asahan pa.

Masakit kung iisipin pero yun ang katotohanan nun…Aaminin ko minsan may mga pagkakataon parin na nasasaktan ako lalo na sa tuwing nakikita ko yung mga pictures mo sa FS na kargakarga mo yung baby mo…Pero sa isang banda, natutuwa na rin ako pra syo kc nakikita ko na masaya ka dahil natupad na yung isa sa mga gusto mo ang maging daddy pero hindi nga lang ako ang mommy..huhuhu! :(

Siguro nga gusto na rin talaga ni LORD na makapag-isip-isip ako at gawin na ang tama at dapat para sa sarili ko..Dapat ko na rin sigurong lagyan ng TULDOK ang mga bagay bagay na nag-uugnay ng tungkol sa iyo at itago sa baul ang mga memorabilyang iniwan mo..at gawin itong kahulihulihang pagpatak ng luha ko para syo.

Dahil kinakailangan ko na ring simulan ang bagong yugto ng buhay ko na hindi na ikaw ang nasa isip ko…At hayaang maging masaya at bigyan ng pagkakataong mahalin at magmahal muli.

At ngayon hindi man ako sigurado pero handa akong sumugal ulit at humihiling sa DIYOS na sana sa pagkakataong ito eh sya na nga yung matagal ko ng hinihintay….asus lumalandi na naman..nyahaha.

Kaya friend LORD, please give me a sign!! please!

sana lng wag na period sign. 

 

 

ikay

IKAY

28 comments June 28, 2009

Blissful Bobby-Soxer…Let Her Cry.

****Ooopps commercial muna:
Malapit na  pala yung pa berdey contest ni bunso (joycee) sa saturday na raw ang deadline kya sa gusto pang sumali click here… tapos kung sa tingin mo nman eh kaakit- akit sya sali ka dito tapos sama mo sya sa listahan ng utang mo..lolz…tapos kung talaga nmang naakit ka sa kanya eh subukan mo na ring tulungan syang manalo sa pacontest ng aking kambal sa umang si KIKAYNESS, just leave a sensible comment daw dito .
Eto pa since malapit nrin  ang Pibetdey ng aking MAHAL eh kung ngkukuripot ka na kagaya ko  at medyo hindi mo nman sya kayang bigyan ng diamond ring eh pede na rin nman na mg send ka nlng sa kanya ng isang mala Katrina at Hayden Kho na video…lolz..joke!…pechures na lang daw na may Pibetdey greetings na naka two piece…hihihi! email nyo lng sya d2 magdalaena@yahoo.com.phbilis now na kc sa friday na ang handaan.

 

*******

hmmm…Actually wala kasi akong maisip na pang update, and since birtday nman nilang dalawa at mahal ko na rin nman sila eh naisip kong bigyan nlang sila ng makapagbagbag damdaming post(o di ba nakakabulol sya) ulitin mo nga ulit makapagbagbag..hehehe!
si joycee at heleyna eh una kong nakita to sa siopawan ni revsiopao, pero una kong dinalaw yung blog ni joycee…matagal tagal din nman akong pabalik balik sa blog nya bago ako ngkalakas ng loob na mg iwan ng comment dun, tapos nung ngreply sya sobrang friendly ng approach nya nagulat pa nga ako kc ang bilis ng reply parang YM lng…hehehe… i can’t remember kung ng ask sya sken ng link ko, tapos nung hindi sya makapagcomment kaagad d2 sa blog ko kc nkablocked daw yung mga hindi wordpres,tinuruan nya akong tanggalin yun, eh ano nman malay ko dun, tsaka ayaw nya na daw iopen ulit yung wordpress account nya…hindi ko na sya tinanong kung bakit pa dahil malamang eh may hindi na kanais nais pang dapat balikan duon… ngpalitan ng YM…FS..FB..PLURK acccount at link pero sa totoo lng hindi kami gnun ka close though siguro maituturing na rin na magkaibigan kmi…what i really like to her eh i find her very sweet to everyone na kakilala nya…mabuting kaibigan…a good listener…napaka friendly…and i think mabuti rin syang anak at kapatid sa mga kapatid  nya…and most of all she is a good disciple of GOD, na kahit busy at pagod na sa trabaho eh talagang may oras sya pra mgshare at mgturo sa mga bata to serve GOD…masayahing tao pero syempre minsan may pagka emotera rin.
 
Si heleyna nakuh first impression ko d2 supladita, doctora kc eh…hehehe…pero hindi rin nman, ewan ko nga ba kung papano kmi ng umpisang magmahalan nitong babaeng toh! hindi ko na rin matandaan…kagaya rin ni joycee, hindi rin kmi sobrang close na katulad ng closenest nilang dalawa…si heleyna ang tingin ko sa babaeng ito eh iyakin pero fighter…nabasa ko lng sa blog ni kuya buyoy nung minsang naging guest blogger sya, yung isa sa mga sad story ng buhay niya…hindi ko nagawang mgcomment duon kc  sobrang nadala ako ng emosyon ko eh nakalimutan ko ng mgcomment…(kumusta nman yun di ba?)
saludo ako sa ginawa nyang yun, dahil ang lakas ng loob nya na ishare sa buong mundo ng blogosperyo ang pangyayaring yun sa buhay nya… 
pero ang mas higit na kahangahanga sa kanya eh nagawa nyang maging maayos ang buhay nya pati ng mga kapatid nya kahit na sila sila lng ang mgkakasama sa araw- araw ng buhay nila although nanjan ang papa nila kaya lang nsa malayo ito ngtatrabaho…
sya ang tumayong nanay sa mga kapatid nya at sa sarili nya…natotong maging responsable para sa mga kapatid…
Nagmahal ng minsan ngunit nasaktan… pero kahit gnun naging matatag pa rin sya sa bawat hamon ng buhay.
hindi ko man sila kilala ng personal dahil hindi pa nman kmi ngkikita… (sayang hindi ako makakasama sa EB nila sa JUNE 12) pero sa araw- araw na nkakausap ko sila sa FB at pagdalaw ko sa mga blog nila nararamdaman ko na kung ano yung mga nasabi ko eh gnun sila talaga..
at bilib ako sa pagmamahalan nilang dalawa bilang mgkaibigan.
kaya  para kay bunso at mahal, sobrang happy ako na nakilala ko kyo and i hope and i pray (both of you) for your happiness.

HAPPY BIRTHDAY JOYCEE & HELEYNA!!! 

ikay 
ikay

28 comments June 10, 2009

Next Posts Previous Posts


 

November 2009
M T W T F S S
« Oct    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Recent Comments

teentoinks on emo lang…
IKAY on emo lang…
IKAY on emo lang…
IKAY on Ikaw ba’y di Makatu…
IKAY on Ikaw ba’y di Makatu…

Blogroll

The Legend

Archives

Meta

Categories

Recent Posts

Blog Stats

Authors

Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Top Clicks

Category Cloud

emo mode kAtakaWaN kwentong pamilya mga ka ikayan OFW Uncategorized

Spam Blocked

Tags

family la lang tagatag tanong lang una virgin