Posts filed under 'Uncategorized'
Blissful Bobby-Soxer…Let Her Cry.
*******
hmmm…Actually wala kasi akong maisip na pang update, and since birtday nman nilang dalawa at mahal ko na rin nman sila eh naisip kong bigyan nlang sila ng makapagbagbag damdaming post(o di ba nakakabulol sya) ulitin mo nga ulit makapagbagbag..hehehe! si joycee at heleyna eh una kong nakita to sa siopawan ni revsiopao, pero una kong dinalaw yung blog ni joycee…matagal tagal din nman akong pabalik balik sa blog nya bago ako ngkalakas ng loob na mg iwan ng comment dun, tapos nung ngreply sya sobrang friendly ng approach nya nagulat pa nga ako kc ang bilis ng reply parang YM lng…hehehe… i can’t remember kung ng ask sya sken ng link ko, tapos nung hindi sya makapagcomment kaagad d2 sa blog ko kc nkablocked daw yung mga hindi wordpres,tinuruan nya akong tanggalin yun, eh ano nman malay ko dun, tsaka ayaw nya na daw iopen ulit yung wordpress account nya…hindi ko na sya tinanong kung bakit pa dahil malamang eh may hindi na kanais nais pang dapat balikan duon… ngpalitan ng YM…FS..FB..PLURK acccount at link pero sa totoo lng hindi kami gnun ka close though siguro maituturing na rin na magkaibigan kmi…what i really like to her eh i find her very sweet to everyone na kakilala nya…mabuting kaibigan…a good listener…napaka friendly…and i think mabuti rin syang anak at kapatid sa mga kapatid nya…and most of all she is a good disciple of GOD, na kahit busy at pagod na sa trabaho eh talagang may oras sya pra mgshare at mgturo sa mga bata to serve GOD…masayahing tao pero syempre minsan may pagka emotera rin. Si heleyna nakuh first impression ko d2 supladita, doctora kc eh…hehehe…pero hindi rin nman, ewan ko nga ba kung papano kmi ng umpisang magmahalan nitong babaeng toh! hindi ko na rin matandaan…kagaya rin ni joycee, hindi rin kmi sobrang close na katulad ng closenest nilang dalawa…si heleyna ang tingin ko sa babaeng ito eh iyakin pero fighter…nabasa ko lng sa blog ni kuya buyoy nung minsang naging guest blogger sya, yung isa sa mga sad story ng buhay niya…hindi ko nagawang mgcomment duon kc sobrang nadala ako ng emosyon ko eh nakalimutan ko ng mgcomment…(kumusta nman yun di ba?) saludo ako sa ginawa nyang yun, dahil ang lakas ng loob nya na ishare sa buong mundo ng blogosperyo ang pangyayaring yun sa buhay nya… pero ang mas higit na kahangahanga sa kanya eh nagawa nyang maging maayos ang buhay nya pati ng mga kapatid nya kahit na sila sila lng ang mgkakasama sa araw- araw ng buhay nila although nanjan ang papa nila kaya lang nsa malayo ito ngtatrabaho… sya ang tumayong nanay sa mga kapatid nya at sa sarili nya…natotong maging responsable para sa mga kapatid… Nagmahal ng minsan ngunit nasaktan… pero kahit gnun naging matatag pa rin sya sa bawat hamon ng buhay. hindi ko man sila kilala ng personal dahil hindi pa nman kmi ngkikita… (sayang hindi ako makakasama sa EB nila sa JUNE 12) pero sa araw- araw na nkakausap ko sila sa FB at pagdalaw ko sa mga blog nila nararamdaman ko na kung ano yung mga nasabi ko eh gnun sila talaga.. at bilib ako sa pagmamahalan nilang dalawa bilang mgkaibigan. kaya para kay bunso at mahal, sobrang happy ako na nakilala ko kyo and i hope and i pray (both of you) for your happiness.HAPPY BIRTHDAY JOYCEE & HELEYNA!!!
28 comments June 10, 2009
it’s better L8 than never…
hmmm…yan ang madalas na ikatwiran ng mga taong laging late…at ito pa ang mas matinding banat ng mga yan “huli man daw at magaling eh HULI naihahabol pa din”.
oo cge na nga aaminin ko na, isa rin ako sa mga taong ngsasabi nyan pero di ba mabuting huli kesa nman sa wala…hehehe!
ito kasing si kuya BLU at ang aking MAHAL halos mgkasabay ba naman akong ni taggah at kaya naman bago pa abutin ito ng 48 years eh gagawin ko nah.
eh ang rules magsulat daw ng 8 bagay na naayon sa bawat kategorya nito…
8 Things I’m looking forward…
1. 2010- dahil gusto ko na ulit magbakasyon sa pilipins.
2. nyt swimming sa beach- kahit hindi ako marunong lumangoy eh gusto ko prin mgtampisaw sa beach ngayong summer.
3. binyag- hindi po ako ang mgpapabinyag, mgni ninang po ako sa binyag ng baby ng isang friend ko d2.
4. move forward- almost 2 years na rin naman yun and mukang happy ka naman na so cguro dapat ko na talagang itigil ang kahibangan kong ito.
5. date- kaya naman tatanggapin ko na yung matagal ng kinukulit saken na date daw nung pinsan ko.. (o di ba ngmamaganda pa lola mo).
6. jowa- parang bading lang..hehe!
7. blackberry phone- hang kyut nya pramiz.
8. diet- dahil nung umuwi ako ng pinas eh wala akong ginawa kundi kumain kaya kailangan ko na talagang gawin to..huhuhu!
8 things I did yesterday…
1. nagising ng 7:30 am khit off ko para mg online kc may usapan kmi ng aking si old friend na nasa pilipins na mgchat…ayun natapos ang break nya ng hindi man lng kmi ngkausap.
2. 11:30 am na ayun sa wakas ngkausap din kmi.
old friend : hi !
ako : hi ka jan.
old friend : wala ka kanina?
ako : anong ako?..ikaw kya ang wala jan.
old friend : i didnt see you.
ako : eh papano mo ako makikita eh, nung nka online ka na eh parang sumilip ka lng kc bgla ka rin ng offline.
old friend : eh kc nga hindi nman kita nkitang naka online.
ako : eh kc nga alam mo nman na lagi akong naka invi mode di ba.
old friend : hindi ko alam.
ako : ok fine.
3. sa gnun lng natapos ang usapang yun..sa sobrang tagal kong nghintay..huh!
4. kaya natulog na lng ulit ako.
5. pagkagising kumain ng late lunch.
6. nghugas ng pinangkainan.
7. naligo at nanood ng TV.
8. natulog.
8 things I wish I could do…
1. kumain ng lechon baboy habang nandito sa kuwait.
2. magplay ng guitar.
3. mag KAYAK.
4. magswimming.
5. mag mountain climbing.
6. sumakay ng roller coaster.
7. diving.
8. maggala sa europe.
8 shows I watch…
at dahil sa ako’y isang TFC subscriber eh di syempre puro kapamilya show ang aking napapanood.
1. TV patrol.
2. wowowee.
3. kambal sa uma.
4. only you.
5. going bulilit.
6. santino ( may bukas pa)
7. tayong dalawa.
8. nanood nga rin pla ako ng oprah sa youtube nung guest si charice.
*o ayan natapos din…oo alam ko may kulang pa.. pero tinatapos ko na sya kc muka nmang halos lahat na ng blogger eh ni tag na nito..pero kung ikaw sa tingin mo eh hindi mo pa nagagawa ito eh walang pipigil syo na gawin mo ito pramiz wla talaga.
salamat nga pala kay kuya blu sa award na ito grabe sobrang tats ako.
CIAO!!
18 comments May 23, 2009
haayz!
mga ilang linggo rin pla akong nanahimik anoh!?…natapos na ang 26 na maliligayang araw ko sa piling ng aking pamilya at mga kaibigan…kaya e2 balik trabaho n nman..magdadalawang linggo n rin nman akong nakabalik d2 sa KUWAIT pero ewan ko ba parang ang sad parin ng pakiramdam ko…kung gaano ako sobrang happy nung pauwi ako ng pinas ganun nman ako ka sobrang iyak nung pabalik na ako d2…nung nsa NAIA ako pagkatapos kong mg check in ng luggage ko hindi ko na ninais na lumabas pa khit may time p para mgpaalam sa nanay at tatay ko nitxt ko nlng cla pra sabihin na hindi na ako lalabas ingat nlng cla pag uwi nila sa bahay…pero itong nanay ko eh tinawagan pa ako kya ayun mega cry ang lola mo….joshko! feeling ko nman eh first time ko….hehehe! pero may isang girl na mega ask sken kung first time ko ngang umalis sabi ko hindi po, pero kc nman sobrang sad nman talaga kc ko nun dahil miss ko na kaagad nanay at tatay ko.
well actually hindi nman talaga ako nawala eh nglilibot-libot din ako sa mga bahay nyo yun nga lng eh hindi ko na nagagawang mg-iwan ng bakas dahil wala lng, parang feeling ko kc wla akong masasabing matino para kcng ayaw gumana ng utak ko (as if nman na meron ako nun) ang laging naiisip ko lng eh sana 2010 na kc gusto ko na ulit mgbakasyon…hehehe!
P.S.
super tenchu nga pala kuya blu dun sa award and tag na binigay mo sobrang nahipuan na touch mo ako dun…hehehe…pero i cant promise pa kung kelan ko magagawa yung tag pero pag may time na ako gagawin ko po yun…tapos yung logo hindi ko po kc alam kung papano sya ilagay sa sidebar eh..(ay engot ko talaga).
haayz miss ko toh ah!
17 comments May 5, 2009
ELMO!
“bunso” maka isang beses ko lng atang narinig ito sa inyo…at lasing pa nga kyo noon eh, kya nga ang sabi ko sa inyo
” hindi nman ako ang bunso nyo eh tsaka lasing lng kyo”, pero ang sabi mo
“syempre bunso ka rin dahil ng iisa ka lng na babae sa inyong 3″.
natouch ako dun hindi nyo lng halata.
may mga pangyayari noon na alam kong ngpasakit ng ulo nyo dahil sa akin, naaala ko pa nga noong college days ko na minsang ngpaalam akong mg sleep over sa hauz ng isang classmate ko kc kailangan nmeng paglamayan yung thesis nmen dahil last day na nangpasahan ng draft, pero hindi nyo ako pinayagan nun kc basta ayaw nyo lng, pero dahil sa kailangan nmen matapos un eh ng pumulit prin akong umalis…nakagalitan nyo ako kc late narin akong nakauwi dahil kinakailangan pa nmen dumaan ng university pra ipasa yung draft..kaya nman lahat ng makasalubong kong mga dati kong kaklase eh tinatanong kung nglayas daw ba ako kc tinawagan nyo nga daw cla para itanong kung alam daw ba nila kung nasaan ako, dahil hindi man lng daw ako tumatawag sa bahay eh kc nman wla nman akong celfone noon, at biniro pa nga ako ng isa kong kaklase na kung maglalayas daw ako eh mgpaalam daw ako at ng hindi daw ako pinaghahanap…(kumusta nman yun di ba?)…at nung minsan din na inumaga na ako ng uwi dahil napagkatuwaan nmen ng mga barkada ko na mg inuman dahil badtrip ung exam na binigay nung professor nmen ayun pg uwi ko ng bahay parang dinaanan ng bagyo lng nman ang kwarto ko dahil ngsabog lahat ng laman ng drawer ko kakahanap nyo ng iba pang mga contact # na pede nyong pagtanungan kung nasaan ako…at ng dahil dun napilitan na kayo na bilhan akong celfone…pero kumusta nman kya un eh 4th year college na kaya ako noon…oo 4th college na ako ng ka celfone .
may isang bagay noon na sinabi nyo na hinding hindi ko nakakalimutan, ang sabi nyo…
“ganyan ka pa nga lng kung makasagot ka na sa amin eh prang wla ka ng takot, papaano pa kya kung dumating ang araw na uugod ugod na kmi at ikaw na ang ngbibigay ng pangkain sa amin eh bka sipa sipain mo na lng kmi”?
sobrang natanim sa isip ko yun kc naitanong ko nga sa sarili ko na gnun ba ako salbahe para makapagsalita kyo sa akin ng ganyan…pero cguro oo nga dahil alam ko nman na palasagot talaga ako sa inyo noon…pero kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na pabayaan kyo.
dade hindi ko man madalas sabihin sa inyo to pero alam ko nman na alam nyo kung gaano ko kyo kamahal ni mame…wala akong ibang dasal ky BRO. kundi ang maging maayos ang puso nyo (may sakit kc sya sa puso ) tsaka good health sa inyong 2 ni mame.
hay nakuh sobrang haba na nman nito…e2 na nga sabihin ko na nga kung anong dahilan ng kadramahang ito…..
HAPPY BIRTHDAY!!

10 comments April 10, 2009

