Archive for the ‘kwentong pamilya’ Category

There are times that we never want to let go of the  person we never want to leave us behind.. But letting  go,  doesn’t mean that we giving up the person. But rather it is a way of accepting that sometimes there are things that we cannot control most specially  if GOD want us to let it go.

“Manang we all know that you truly love Kuya, But maybe GOD want him now to be His side. Let Kuya be with Father GOD, I know it’s definitely hard for you to accept that Kuya is already left  us, But we have to accept that only GOD knows why this painful things happen to us. 

And to Kuya,  Be our angel  most specially to Manang take care of her even though you are now in the kingdom of GOD, Be her guide always. Cause I know deep inside of her heart you are always remain, as well as ours…We will going to miss you Kuya very much.” :(  and may you find your peace with God that now you are with him.  R.I.P

emo lang…

Posted: November 2, 2009 in emo mode, kwentong pamilya, OFW

sad baby

.

.

.

.

Ang hirap talaga sa pakiramdam yung malayo ka sa pamilya mo lalo na sa panahon na kailangan nyo ang isa’t-isa…Ewan ko cguro masyado lang akong ngpapaka senti pero yun yung nararamdaman ko ngayon eh..nalulungkot ako kasi nasa ospital ang tatay ko at e2 ako nasa malayo,na kahit gustuhin ko mang sana nasa tabi nya ako eh hindi ko magawa…Sabi ng Doctor OK nman n daw sya pero ewan ko ba kung bakit ganito prin ang pakiramdam ko hindi ko pa rin mapigil ang sarili ko na maiyak sa tuwing naiisip ko tatay ko.

Pasensya na feeling sad talaga ako ngayon eh. :(

 

 

!

unsent letter for manong

Posted: February 21, 2009 in kwentong pamilya
Tags:

ikaw ang # 1 enemy ko noon…laging masama ang loob ko sayo kc laging ikaw ang nasusunod, madalas ako ang napapalo ni nanay kc lumalaban daw ako sayo eh ikaw daw ang kuya kaya dapat hindi kita inaaway…pero ang hindi alam ni nanay ikaw ang nang aaway dahil hindi ko sinusunod ang utos mo…  pano nman wala ka ng ginawa kundi mg utos ng mg utos….tapos kapg hindi kita sinunod may batok pang kasama yun… wristling ang madalas na laro naten at madalas bugbog sarado ang abot ko syo kc tinotutuo mo yung bugbugan nten kaya iiyak nalang ako tapos ako pa ang papagalitan ni nanay…alam ko peyborit ka ni nanay kc ikaw ang panganay at ng iisang lalaki noon, eh ng iisang babae din nman ako ah, si tatay lng naman ang kakampi ko eh kaya lng lagi syang wla noon kc nasa malayo sya ng tratrabaho sa saudi.

apat na taon ang agwat ng edad nten kaya nung grumadweyt ka ng highschool ako nman eh gradweyt ng elementary…ang saya ko na noon kc hindi mo na ako binabatukan at hindi na rin ako pinapalo ni nanay kc cguro napapansin nyong ng-uumpisa na akong kumerengkeng mgdalaga…hindi na rin bumalik ng saudi si tatay noon kc hindi na sya pumasa ng medical nya at duon nten nalamang may sakit na pala sya sa puso.

kaya ngsikap nalang sila ni nanay na mgtinda para mayron tyong pangtustus sa pang araw- araw…and then naging tatlo na tayo kc ngrequest ako kela nanay na gusto kong maging ate kaya nman ginawa nila si bunso, at sampung taon ang agwat ng edad nmen ni bunso kaya nman ako ang taga pg alaga nya…na gaya rin nman ng ginawa mo noon sa aken, alam ko yun kc may piktyur pa nga tayo noon nung baby pa ako ikaw ang taga bantay ko habang nsa bukid sila nanay noong nsa probinsya pa tayo nkatira.

pero sa tuwing ngpapaalam ako kela nanay kapag may lakad ang barkada eh madalas hindi nila ako pinapayagan, pero kapag ikaw ok lng kahit out of town pa yun kc madalas kyong mg hiking ng mga barkada mo…at sumasama ang loob ko syo noon kc alam kong ikaw ang peyborit ni nanay kya ka nya laging pinapayagan.

nung grumadwyet ka ng college laking tuwa na nila nanay kc sa wakas may makakatulong na sila sa panggastos sa bahay at ang usapan pa nga noon eh ikaw ang mgpapaaral sa aken sa college ko…pero asa pa sila! kc naman mas madalas pa ang tambay ka kesa sa may trabaho ka…at meron ka pa nga trabaho noon di ba na parang doctor ka kc on call lng ang skedyul ng trabaho mo ang astig di ba!?.

hindi ka sintemyentong tao nangingilabot ka nga sa mga ka dramahan ko eh…pero nung ng debut ako kahit alam kong nababaduyan ka sa 18 roses dance na yan eh nakisali ka pa rin kahit na puro kantyaw ang inabot  mo sa mga katambay mo sa may kanto nten ok lng sayo…kc alam ko mahal mo ako.

nung grumadweyt ako ng college tsaka ka nman ngkaron na ng matibay na trabaho, nakasakay ka na ng barko…ako ang taga bili mo ng flowers pra sa jowa mo noon tuwing balentyms day kc nga nsa barko ka, at akalain mong two timer ka rin pala…hehehe mgkapatid nga tayo (pero noon yun behave na po ako ngayon) at isang sekretong malufeet nten yun sa dalawang jowa mo na naging friends ko pa nga noon.

pero narealized mong mas mahal mo yung pangalawa mo kaya nman sya ang pinakasalan mo…pero ang daya daya mo kc hindi mo man lng ako pina attend sa kasal mo umiiyak pa nga ako syo noon nakiki usap na sana kung pupwede sa susunod na taon na lng kc kakaalis ko nga lng ng pinas noon at bago pa lng ako sa trabaho ko d2 sa kuwait…pero masyado kayong atat ni ate kya hindi nyo na pinagkaabalahang antayin pa ako pra makaattend ng kasal nyo, pero ok lng yun kahit malungkot ako eh masaya na rin kc alam kong masaya ka noong araw na yun…kahit na alam mong ayaw sa kanya ni nanay kc hindi nya kasundo ang balae nya eh pumayag prin sila nanay na mgpakasal ka sa knya kc sabi nga ni tatay ke nanay “sa kanya masaya ang anak mo pabayaan mo na sila”.

minsan may mga panahon na gusto kong mgtampo sayo kc pakiramdam ko iniwan mo ako sa responsibilidad nten pra sa mga magulang nten at kay bunso, dahil sa may sarili ka ng pamilya hindi na 100% ang financial support mo pra kela nanay at tatay…pero inaalis ko kaagad sa isip at puso ko ang pakiramdam na yun kc ayokong matulad tyo sa ibang magkakapatid na ngkakaroon ng hindi magandang relasyon dahil lng sa pera…at ayokong magkaroon ng problema ang pamilya nten kahit na kung ano ano ang sinasabi nila (ng mga pinsan nten) tungkol kay ate hindi ko pinapansin yun kc wla nman akong naririnig na hindi maganda mula kela nanay na tungkol ky ate kya ok lng.

matagaltagal narin tyong hindi ngkikita dahil sa hindi ako nakakauwi sa aten at hindi rin nman tyo madalas ngkakausap kc ayaw mong mg cellfone at hindi mo rin nman ako tinatawagan d2 (kuripot)…  pero kung ipapahintulot ni LORD eh magkikita na ulit tyo sa susunod na buwan at sobrang ekseyted na ako sa araw na yun kc makokompleto tyo at kasama na ang pamilya mo.

hindi man kita nabibigyan ng regalo o kahit card sa tuwing bertdey mo eh pingpipray nman kita keBRO.( fafa Jesus) na sana lagi ka nyang gagabayan sa bawat byahe nyo… at  hindi ko man nasasabi sayo kapag sa tuwing  hindi ka ngkukuripot na tinatawagan mo ako eh alam ko na alam mong mahal na mahal kita.

kaya ngayon dahil sa special ang na araw ito para sayo eh isang nakaririmarim  bonggang bongga na pagbati ng……………………………………….

 

 

 

hapi-bertdey

ang handog ko sa iyo….haylabyu kapatid!! and supeeerr miss na kita!

sad part of life….

Posted: October 8, 2008 in kwentong pamilya

walang permanente sa mundo lahat tyo ang buhay ay hiram lng nten sa may lumikha. masakit ang mawalan ng taong mahal mo sa buhay, lalo na kung  parte sya ng buhay mo. sa mga taong nakapaligid syo madaling sabihin pra sa knila na tanggapin nlang ang nangyari at isiping hanggang dun nlang talaga ang buhay nya. pero sa taong nawalan mahirap gawin yun ang isipin nga lang eh masakit at nakakatakot sa pakiramdam how much more pa kya kung andyan ka na sa sitwasyon na yun.

kamamatay lang ng uncle ko na nasa pilipinas kaninang umaga, ako bilang pamankin masakit pra sa akin na wala na sya at alam ko kung gaano kasakit pra sa mga anak nya ang pgkawala nya. hindi ko kayang sabihin sa pinsan ko na anak nya na “tanggapin nalang nten ang nangyari”, dhil alam ko sa sarili ko bilang isang anak masakit ang mawalan ng tatay. hindi ko kayang pigilin ang pag iyak nya dahil alam kong dun nya lng mailalabas ang sakit na nararamdaman nya ngayon. pero umaasa ako na darating din ang oras na titigil din ang pinsan ko at ihihiling sa DIYOS na maging maayos ang paglalakbay ng kanyang ama patungo sa kaharian ng may lumikha.