Archive for October, 2009
Ikaw ba’y di Makatulog???
Minsan may mga gabing nasa iyong kama ka na at nakahiga at ninanais ng matulog pero kahit na anong gawin mo eh hindi ka pa rin dalawin ng antok…Kaya nman minsan may mga bagay na naiisip kang gawin para lang maibsan ang nararamdaman mong pagkabalisa at pagkabagot…Pipiliting pagurin ang sarili upang sa muli mong paghiga sa iyong kama ay maipipikit mo ang iyong mga mata na may ngiti sa iyong mga labi.
Kung kaya naman, ikaw, kung sakaling may mga gabing hirap ka sa pagtulog maari mo rin itong gawin para nman maging masaya ang iyong pagtulog…
.
.
.
.
.
weeeeh! adik lang sa picture yan may insomia rin kaya dis oras ng gabi gising pa…ahihi
26 comments October 17, 2009
naGtatan0nG LanG???
Ah eh may isang katanungan lang ang isang taong biglang naguluhan…. “Kapag ba nakalimutan mo ang isang pangyayari sa buhay ng isang taong dating naging importante sayo, eh ibig bang sabihin nun wa pakels ka na sa kanya???”…hmmmm??!
hmmp!
Belated Happy Birthday na nga lang..ahihi
.
.
.
.
.
.
. . .
.
16 comments October 14, 2009
Walang pamagat…
Bulagaaaa!…ahihi…
Nagpaparamdam lang… buhay pa naman ako yun nga lang nasalanta kc ako ng bagyo…binagyo ako ng katamaran kaya e2 humigit kumulang hindi na mabilang na araw na pala akong hindi nakakapag update nitong aking blog.
***Sobrang nakakalungkot ang nangyaring sakuna sa Pilipinas nitong ngdaang araw dulot ng bagyong si Ondoy at itong si Pepeng, ang mga hitad talagang ngpakasayang nagbuhos ng kanilang lakas sa ating Lupang hinirang…Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa at nakakapagpataba ng puso… ang walang kondisyong pagtutulungan ng bawat Pilipino sa bawat isa…dito mo makikita ang pagiging mapagmahal sa kapwa ng mga pinoy, at dito the best ang mga Pilipino, na kahit na nasaan mang lupalop ng mundo ito nagagawa pa ring tumulong sa kapwa.
Isang napakalaking trauma sa ating mga Pilipino ang pangyayaring ito pero naniniwala akong kakayaning makaahon at maibalik ng mga kababayan nten ang dati nilang pamumuhay…maaaring baka matagalan pa dahil sa tindi ng idinulot nito, pero sa tulong ng ating mga panalangin alam kong malalagpasan ng ating mga kababayan ang pagsubok nato…Hindi nga bat isa rin sa mga karakter ng mga pinoy ay ang pagiging survivor kaya go go go lang ang buhay.
Sabi nga sa isang tag line “Walang iwanan sa bayan ni Juan”..naks kapamilyang- kapamilya.. ^_^
25 comments October 6, 2009







