Archive for April 10th, 2009

ELMO!

“bunso”  maka isang beses ko lng atang narinig ito sa inyo…at lasing pa nga kyo noon eh, kya nga ang sabi ko sa inyo

” hindi nman ako ang bunso nyo eh tsaka lasing lng kyo”, pero ang sabi mo

“syempre bunso ka rin dahil ng iisa ka lng na babae sa inyong 3″.

natouch ako dun hindi nyo lng halata.

may mga pangyayari noon na alam kong ngpasakit ng ulo nyo dahil sa akin, naaala ko pa nga noong college days ko na minsang ngpaalam akong mg sleep over sa hauz ng isang classmate ko kc kailangan nmeng paglamayan yung thesis nmen dahil last day na nangpasahan ng draft, pero hindi nyo ako pinayagan nun kc basta ayaw nyo lng, pero dahil sa kailangan nmen matapos un eh ng pumulit prin akong umalis…nakagalitan nyo ako  kc late narin akong nakauwi dahil kinakailangan pa nmen dumaan ng university pra ipasa yung draft..kaya nman lahat ng makasalubong kong mga dati kong kaklase eh tinatanong kung nglayas daw ba ako kc tinawagan nyo nga daw cla para itanong kung alam daw ba nila kung nasaan ako, dahil hindi man lng daw ako tumatawag sa bahay eh kc nman wla nman akong celfone noon, at biniro pa nga ako ng isa kong kaklase na kung maglalayas daw ako eh mgpaalam daw ako at ng hindi daw ako pinaghahanap…(kumusta nman yun di ba?)…at nung minsan din na inumaga na ako ng uwi dahil napagkatuwaan nmen ng mga barkada ko na mg inuman dahil badtrip ung exam na binigay nung professor nmen ayun pg uwi ko ng bahay parang dinaanan ng bagyo lng nman ang kwarto ko dahil ngsabog lahat ng laman ng drawer ko kakahanap nyo ng iba pang mga contact # na pede nyong pagtanungan kung nasaan ako…at ng dahil dun napilitan na kayo na bilhan akong celfone…pero kumusta nman kya un eh 4th year college na kaya ako noon…oo 4th college na ako ng ka celfone  .

may isang bagay noon na sinabi nyo na hinding hindi ko nakakalimutan, ang sabi nyo…

“ganyan ka pa nga lng kung makasagot ka na sa amin eh prang wla ka ng takot, papaano pa kya kung dumating ang araw na uugod ugod na kmi at ikaw na ang ngbibigay ng pangkain sa amin eh bka sipa sipain mo na lng kmi”?

sobrang natanim sa isip ko yun kc naitanong ko nga sa sarili ko na gnun ba ako salbahe para makapagsalita kyo sa akin ng ganyan…pero cguro oo nga dahil alam ko nman na palasagot talaga ako sa inyo noon…pero kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na pabayaan kyo.

dade hindi ko man madalas sabihin sa inyo to pero alam ko nman na alam nyo kung gaano ko kyo kamahal ni mame…wala akong ibang dasal ky BRO. kundi ang maging maayos ang puso nyo (may sakit kc sya sa puso ) tsaka good health sa inyong 2 ni mame.

hay nakuh sobrang haba na nman nito…e2 na nga sabihin ko na nga kung anong dahilan ng kadramahang ito…..

HAPPY BIRTHDAY!!

elmo

10 comments April 10, 2009


 

April 2009
M T W T F S S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Recent Comments

blurosebluguy on Ay Sasapit!
joycee on Ay Sasapit!
p0kw4ng on Ay Sasapit!
Reesie on Narinig mo na ba ang late…
blurosebluguy on Narinig mo na ba ang late…

Blogroll

The Legend

Archives

Meta

Categories

Recent Posts

Blog Stats

Authors

Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Top Clicks

Category Cloud

emo mode kAtakaWaN kwentong pamilya mga ka ikayan OFW Uncategorized

Spam Blocked

Tags

family felinggera la lang OFW...homesick.. pasko tagatag tanong lang una virgin