Archive for February 18th, 2009
pangarap ko ang ibigin ka!?
Noon nung tayo’y mga bata pa, madalas tinatanaw kita mula sa malayo sa Tabing Ilog kasama ng mga barkada mo. at ako Kay Tangal Kang Hinintay na sana man lang mapalingon ka’t mapansin mong naroon ako sa malayo at tinatanaw ka.
At humihiling na sana masabi mo sa akin na It Might Be You, dahil ako gustong- gusto kong sabihin sayo na Ikaw Ang Lahat Sa Akin. at ngbabakasakaling marinig mula sa labi mo na “masaya ako Now That I Have You” ..pero hindi dininig ng pagkakataon ang mga kahilingan kong yun.
Kaya lumayo ako para subukang makalimot, nakisalamuha sa mga taong hindi sanay maligo iba ang kultura at amoy camel pananampalataya.
pero ng minsang may isang kakilala akong nakasalubong sa daan sinabi nya sa aking nsa DUBAI ka daw, ang akala ko nalimutan na kita pero mali pala ako dahil e2 na naman ako umaasang baka sakaling this time I can be Close to You…pero gaya ng dati umasa lng ako.
Ang sabi ng mga kaibigan ko tigilan na raw kita, dahil bakit ko raw ba pinag aaksayahan ng panahon ang isang taong hindi ko nman lubos na kilala, pero ang sabi ko sa kanila Maging Sino Ka Man handa kitang tanggapin.
Noon humingi ako sa Diyos ng One More Chance na “sana ako nalang, ako na lang ulit”.. dahil alam ko sa sarili ko na para sayo lamang ang A Very Special Love kong ito…Nasaktan ako nung minsan sinabihan ako ng isang kaibigan na “maawa ka nga sa sarili mo, itigil mo na yan, mapapagod ka lang umasa, mapapagod ka lng mghintay, mapapagod ka lang umasang mamahalin ka rin nya”..pero ang sabi ko ” kahit minsan hindi ko naramdamang nakakapagod syang mahalin”.
kaya lang siguro minsan talagang may mga bagay na hindi talaga para sayo kahit na anong gawin mo…masakit mang tanggapin pero may mga bagay parin akong dapat ipagpasalamat sa mga nangyari ito dahil You Changed My Life dahil natutunang kong maging matatag sa bawat sakit at pagsubok na naranasan ko at alam kong laging gabay ko si Bro.(fafa Jesus)…pero ganun pa man mahal parin kita … ang landi talaga!
sa mga may nais malaman kung sino SYA paki click lng po ito.
P.S. revsiopao maraming salamat po ulit sa napakalaking tulong nyo!kabahagi ka ng post kong ito… (parang western union bilis padala) nyek korni!
22 comments February 18, 2009