ginisang gulay!
October 14, 2008
habang gumagawa ako ng daily report ko eh nka online pinoy radio ang lola nyo…mas masarap kc sa pandinig at feeling at home kc ako kapag ang naririnig kong ngsasalita eh ang mga pinoy Dj and nkakamiss din yung mga kwelang commercial break na minsan eh napapangiti ako..pero bigla nlng ngchange ang mood ko bglang naging emo mood ang lola mo pano ba nman xmas song na ang pinapatutogtog ng DJ…sabagay sa ating mga pinoy isang tradisyon na na kapag pumasok na ang buwan ng may “ber” eh ngsisimula nrin ang preparasyon pra sa araw ng pasko…waaaaah! bgla nman akong nalungkot kc kung bibilangin eh may 5 yrs nrin akong hindi ngpapasko sa pinas. nkakamiss yung bibingka at puto bongbong sa may kanto ng palengke sa amin sa tondo. naalala ko pa nga noon kasama ng mga barkada ko bibili lng kmi ng bibingka at puto bongbong at ang panulak eh POP cola tapos sa may harap ng bahay nmen kmi tatambay ayos na solve na ang nyt gimik nmen nun..haay! kakamiss tlga buhay pinas simple lng pero masaya pero minsan sadya nga nman kailangan mong lumayo sandali pra sa ikakaginhawa ng buhay ng pamilya mo…sabi nga nla “thats life” masaya na malungkot pero tuloy prin ang buhay, parang ginisang gulay….hahaha, ano daw?! ang gulo mo neng.
Entry Filed under: mga ka ikayan. .
2 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed
1.
revsiopao | February 17, 2009 at 10:17 pm
Tayo po ay magsitayo
Ilagay ang kanang kamay sa dibdib
At sabay-sabay nating awitin ang…
Makulay…
Ang buhay…
Makulay… ang buhay
Sa sinabawang IKAY!
Toinks!
2.
IKAY | February 18, 2009 at 7:52 am
parang sinabawang amapalaya..bitter! hahaha