Archive for October, 2008

ginisang gulay!

habang gumagawa ako ng daily report ko eh nka online pinoy radio ang lola nyo…mas masarap kc sa pandinig at feeling at home kc ako kapag ang naririnig kong ngsasalita eh ang mga pinoy Dj and nkakamiss din yung mga kwelang commercial break na minsan eh napapangiti ako..pero bigla nlng ngchange ang mood ko bglang naging emo mood ang lola mo pano ba nman xmas song na ang pinapatutogtog ng DJ…sabagay sa ating mga pinoy isang tradisyon na na kapag pumasok na ang buwan ng may “ber” eh ngsisimula nrin ang preparasyon pra sa araw ng pasko…waaaaah! bgla nman akong nalungkot kc kung bibilangin eh may 5 yrs nrin akong hindi ngpapasko sa pinas. nkakamiss yung bibingka at puto bongbong sa may kanto ng palengke sa amin sa tondo. naalala ko pa nga noon kasama ng mga barkada ko bibili lng kmi ng bibingka at puto bongbong at ang panulak eh POP cola tapos sa may harap ng bahay nmen kmi tatambay ayos na solve na ang nyt gimik nmen nun..haay! kakamiss tlga buhay pinas simple lng pero masaya pero minsan sadya nga nman kailangan mong lumayo sandali pra sa ikakaginhawa ng buhay ng pamilya mo…sabi nga nla “thats life” masaya na malungkot pero tuloy prin ang buhay, parang ginisang gulay….hahaha, ano daw?! ang gulo mo neng.

2 comments October 14, 2008

sad part of life….

walang permanente sa mundo lahat tyo ang buhay ay hiram lng nten sa may lumikha. masakit ang mawalan ng taong mahal mo sa buhay, lalo na kung  parte sya ng buhay mo. sa mga taong nakapaligid syo madaling sabihin pra sa knila na tanggapin nlang ang nangyari at isiping hanggang dun nlang talaga ang buhay nya. pero sa taong nawalan mahirap gawin yun ang isipin nga lang eh masakit at nakakatakot sa pakiramdam how much more pa kya kung andyan ka na sa sitwasyon na yun.

kamamatay lang ng uncle ko na nasa pilipinas kaninang umaga, ako bilang pamankin masakit pra sa akin na wala na sya at alam ko kung gaano kasakit pra sa mga anak nya ang pgkawala nya. hindi ko kayang sabihin sa pinsan ko na anak nya na “tanggapin nalang nten ang nangyari”, dhil alam ko sa sarili ko bilang isang anak masakit ang mawalan ng tatay. hindi ko kayang pigilin ang pag iyak nya dahil alam kong dun nya lng mailalabas ang sakit na nararamdaman nya ngayon. pero umaasa ako na darating din ang oras na titigil din ang pinsan ko at ihihiling sa DIYOS na maging maayos ang paglalakbay ng kanyang ama patungo sa kaharian ng may lumikha.

2 comments October 8, 2008


 

October 2008
M T W T F S S
« Sep   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Recent Comments

teentoinks on emo lang…
IKAY on emo lang…
IKAY on emo lang…
IKAY on Ikaw ba’y di Makatu…
IKAY on Ikaw ba’y di Makatu…

Blogroll

The Legend

Archives

Meta

Categories

Recent Posts

Blog Stats

Authors

Watch videos at Vodpod and other videos from this collection.

Top Clicks

Category Cloud

emo mode kAtakaWaN kwentong pamilya mga ka ikayan OFW Uncategorized

Spam Blocked

Tags

family la lang tagatag tanong lang una virgin